u/CommunicationSad4470
Paano kayo naging consistent sa weight loss journey niyo with PCOS? 😭
Hi, I was diagnosed with PCOS last February and niresetahan ako ng OB ko ng glutathione with ALA and NAC. Sinabihan din ako na mag lose weight, goal ko sana is 50 kg. For reference, 59 kg ako noong February and 5 feet tall.
Since then, nag try talaga ako mag lifestyle changes. Nag calorie deficit ako, switched to brown rice, less fast food, more vegetables (literal na halos may lettuce every meal 😭). Nag start din ako mag walk at least 1 hour a day, pero honestly inconsistent ako. May mga days talaga na hindi ako nakakapag workout.
Siguro pinaka consistent ko is yung pag iwas sa fast food. Dati 3-4x a week ako nagfa-fast food, ngayon
2x a month na lang. Nalimita ko rin sweets and red meat. Madalas chicken, fish, and eggs na lang kinakain ko. Brown rice din and usually around 100g lang kinakain ko every meal hahahaha
Sa exercise talaga ako nahihirapan. May mga araw na parang sobrang pagod ko kahit wala naman masyadong ginawa. Tapos dagdag pa yung init ngayon 😭 Yung dating 7:30 AM walk ko ngayon parang ang init-init na agad kaya tinatamad talaga ako minsan.
Right now, 55 kg na ako. Nababagalan pa rin ako sa progress ko, pero alam ko rin naman na may pagkukulang ako dahil sa inconsistency ko. Dapat follow-up checkup ko na this month pero hindi ko pa rin naaachieve yung goal weight ko.
Honestly natatakot din ako baka i-prescribe ako ng birth control kasi takot ako sa side effects 😭 Also, bumili ako ng inositol noong March kasi marami akong nabasa na effective siya for PCOS. From having around a 50-day cycle, naging 37 days na lang siya last month. So parang may improvement naman kahit papaano, pero hindi pa rin pasok sa normal range.
Ano po maipapayo niyo? May naka experience ba ng ganito rin? Paano niyo napapadali or napapa-consistent yung weight loss and exercise with PCOS?