SCAMMER AGENT
Hello po. Baka po puwedeng makahingi ng tulong. Na-scam po kasi ang tatay ko sa Facebook.
Ang scammer po ay nagpapakilalang agent daw ng Christians Against Poverty, kaya lalo pong nakakalito ang sitwasyon. Pinapangakuan po niya ang tatay ko na ipapadala na raw ang pera, kasama pa ang malaking interest. Sa ngayon, nasa humigit-kumulang ₱500,000 na po ang naipapadala ng tatay ko sa kanya.
Lately, sobrang halata na po ang panloloko. Halimbawa, pinapabayaran pa ng scammer ang mga piyesa ng motor niya at kung anu-ano pang dahilan bago raw ma-release ang pera.
Mukhang Pinoy po siya dahil minsan ay nabanggit niyang nahuli siya ng traffic enforcer.
Baka po may alam kayong legal na paraan kung paano siya matutukoy o mare-report. Mayroon po kaming GCash number niya (at iba pang impormasyon na puwedeng makatulong kung kakailanganin). Maraming salamat po.
Na-report na po namin yan sa police, kaso hanggang ngayon po wala pa ring update.