u/CutieeCaramel

Finally a PHP Millionare

Finally a PHP Millionare

After working in Canada for a few years, naabot ko din ang PHP millionare na goal. Next goal: $50k

Minsan naiinggit ako sa iba na travel nang travel, gala nang gala tas maluho pero pag nakikita ko ipon ko, worth it ang wait.

Others won't believe na 23 years old palang ako. How did I save?

Tips: (wag na basahin pag di interesado)

  1. Magmukhang losyang (funny man pero legit)
    -napapagkamalan akong homeless lagi at walang pera kaya peaceful ang buhay

  2. Less social media
    -nakakatempt gumastos pag nakakakita ng bagong usong gamit, travel etc

  3. Set a goal
    -goal go talaga maging millionaire. Kapag natetempt ako bumili ng mahal is iisipin ko na mapapalayo ako sa goal ko

  4. Never tell anyone (as in lahat) na may ipon ka
    -lagi ko sinasabi "di kaya ng budget" pero ang nasa isip ko is di ko kasi priority pero afford ko. Naalala ko yung katrabaho ko sabi niya bili daw ako ng sasakyan pag nakapagipon na ko 3k, tas that time i currently have atleast 15k na

  5. Maging adik sa frugal life vids sa yt
    -cooking meals for $1, tips, not to do, tas weird man pero I like to watch credit card debt vids para maging anxious ako sa spending habits ko

  6. Grab every opportunity to save
    -sales, coupons, comparing prices sa grocery, "every dollar counts"

  7. Ask around before making a decision
    -may time na gusto ko na talaga magkakotse pero ang dami ko inask like magkano every month na gastos nila (insurance, maintenance, gas). Nung nalaman ko, mapapagastos ako nang husto kaya commute commute muna ko

  8. Don't flex
    -trust me, wala pake mga tao! Mas aangat tingin sayo pag talagang may investments ka like bahay, business. Lagi naman may masasabi mga tao kaya mas maganda nang wala silang alam sa financial situation mo

Madami pa pero tamad na ko

Sa mga working abroad kagaya ko o nasa pinas, kaya natin to!

u/CutieeCaramel — 8 days ago

Affordable Portable AC

It’s getting warm, and my room doesn’t have an air conditioner. Do you have any recommendations for a small, portable air conditioner? I’m looking for one that can cool just one room.

reddit.com
u/CutieeCaramel — 20 days ago