
First time kong mag give back sa ate ko.
Binili ko yung gustong doughnut backpack ng ate ko way back 2024 kaso hindi niya binili kasi sayang din halos 5k daw hanggang makalimutan na niya kasi mas inuuna niya pangangailangan ng pamilya namin.
Now graduated at may trabaho na ako, naalala ko to at sinave ko talaga sa notes ko yung mga bet niyang gamit para bibilhin ko yung mga isinasantabi niya hahahaha!
Advance Happy birthday to my ate who sacrificed her youth working and going to school at the same time, and became a father figure to us! 🫶🏻
Walang ate si ate pero may bunsong kapatid siya na mahal na mahal siya.