u/Status-Milk-4148

bumili ako ng washing

bumili ako ng washing

Hindi ko alam ano pumasok sa isip ko bakit mahal na washing machine yung binili ko. Wala sana kaming balak since dinidisiplina pa namin ng partner ko yung isat isa na bawasan ang gastos, at ang luho, kaya kahit nung 1 week after lumipat ng house nanakaw yung twin tub washer namin sa labas (oo anlaki laki nanakaw hahaha) hindi kami bumili agad. Mag tu-2 months na kami dito sa new house ngayun lang nakabili. Kase nakita kong tahimik na umiiyak yung partner ko sa cr dahil ayaw matanggal ng mantsa sa damit na kinukusot nya. Parang tinapakan yung puso ko sa kirot. Na pakiramdam ko nasobrahan ako sa pagtitipid. After researching for days, Pinili ko yung pinaka matibay, pinaka mabigat (para di na manakaw ulit), tyaka puti kase gusto nya puti. Sobrang saya nya tyaka 4 hours syang naglalaba nang nakangiti na, 4 loads ata dahil naipon yung laundry.

Sulit sya. Sobrang laki ng pinagkaiba sa twin tub lol. Pagsa-sampay ang ambag ko hahaha

u/Status-Milk-4148 — 5 days ago