ABYG: Tinaob ko yung mesa na kinakainan ng “tita” ko

This tita, di namin sya gusto kasi kabit sya ni Tito, yung totoong wife may iba na din but di pa rin namin gusto yung bago. One time din kasi sinampal nya yung pinsan ko kasi sinagot sagot sya so may blotter na sya sa bahay.

Nung binyag ng baby ko, syempre nagpunta sya, di nalang namin pinagpapansin, btw, nagpa lechon ako. Nakita ko na ini-story nya yung lechon with matching caption na nang iimbita ng kain.

Ang sakin naman no problem yun since madami naman din kami hinanda.

Nagalit ako nung umuwi kami galing simbahan after ng mismong binyag kasi yung lechon putol na yung dalawang paa, nabalatan na din. Galit na galit na ako kasi di pa kami nakakapagpa picture pamilya. Tinuloy naman namin picture tapos dumiretso ako sa likod kung saan nag iinuman yung “tita” ko at mga tropa ni tito.

Plan ko lang talaga sitahin sya kasi hindi pa nga nakakauwi yung bininyagan, nauna na silang kumain at kinuhaan na nila yung lechon e madami namang ibang ulam, delicadeza man lang ba.

Kaso narinig ko si gaga pinagmamalaki na nakakapasok sya sa bahay kahit may blotter sya kasi sya daw nagpa lechon at lumapit daw kami sa kanya kasi wala kaming pera.

GIIIIRL, di ako nagsalita, tinaob ko nalang yung table nila na puno ng ulam at mga alak at pinakyuhan sya.

Pinuntahan ako ni tito sa loob at sinabihan akong wala naman daw issue sa sinabi ng babae nya kesyo pabayaan ko nalang daw at lasing. Tumawag ako ng pulis at pinaalis sila mag jowa. Wala daw ako respeto sa kanilang dalawa.

Abyg????

reddit.com
u/Disastrous-Bebe — 19 days ago

Thoughts nyo sa AI generated posters?

Karamihan ng posters ngayon gawa na ng AI tapos sobrang halata pa kasi magkaka mukha. Wala na bang creativity mga tao ngayon?

u/Disastrous-Bebe — 23 days ago