u/Disastrous-Bus-5822

▲ 6 r/Breakupadvice+1 crossposts

5 years wasted wlw relationship

Nasa bakasyon ako nong nakipagbreak sya saken.
Sabi nya,"mahal kita pero pipiliin ko muna sarili ko".
"Self love muna ako."
"Sa 5 years natin, the last 2 years don di na kita mahal."

Bago ako magbakasyon, wala kaming pinag-awayan.
Masaya kami.
Kung gano sya kalambing nong una, mas malambing pa sya sa mga sumunod na taon at bago ako magbakasyon.
I didn't see any sign na may iba na syang nagugustuhan.
Hindi sya nakasama saken kasi busy pa sya sa school.
Kala ko late lang sya umuuwi because of school works nya and SA din sya.
May iba na palang ka coffee date at dinner date.

Pagbalik ko kala ko maaayos ko pa. Pinuntahan ko sya sa apt namin. Wala sya.
Hindi na pala maaayos. Akala ko burn out lang sya sa buhay. Blinock nya na lahat ng kamag-anak ko.
Sabi nya saken sa chat.
"Tanggapin mo na lang na ayaw ko na."
"Kapag pinatagal pa natin to lalo lang tayong mahihirapan at masasaktan. Hindi na align ang gusto ko sa gusto mo. Alam ko na kung nasaan ako. Magkaiba na tayo ng patutunguhan."

After 2 days of break up, sabi ng bff nya saken, naghanap daw agad ng ka-talking stage si ganda.
After a week, brinag nya sa bff nya yung bago nya. Which is college prof nya. Babae rin.
Nalaman ko rin na yung ex-gf ko ang nanligaw sa prof nya.

Akala ko burn out at avoidant lang ang ex-gf ko. Cheater at traitor din pala.
Kaya pala nasabi nya ang mga linya na yon. Sa ibang tao na sya tutungo.
Ako lang pala yung masasaktan.
I was forced to accept it and mourn.

Di ko alam paano ako makakausad.
Ginawa ko syang mundo.
I poured all my love.
I was so devoted to her.
I was afraid of hurting her kaya hinahayaan ko sya sa mga gusto nya para di sya masakal.

It's been a month na rin since the break up pero hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Walang ganang kumain. Grabe ang palpitations. Ayoko na ng ganitong pakiramdam.

reddit.com
u/Disastrous-Bus-5822 — 7 days ago