u/Dragonfruit69-

ATOME

Ganito ba talaga si atome? One day OD

"Magandang Araw,

Ang iyong account ay kasalukuyang isinasailalim sa mahigpit na pagpapatupad. Mula sa puntong ito, magiging mas istrikto na ang aming mga hakbang, at maaaring hindi na pagbigyan ang anumang negosasyon:

🔸 Posibleng i-endorso ang iyong account sa ibang Collection Agencies

🔸 Maaaring bumisita ang aming field collectors sa iyong rehistradong tirahan

🔸 Wala nang palugit o espesyal na kasunduan sa pagbabayad

Ang patuloy na pagwawalang-bahala sa mensaheng ito ay magpapalala lamang sa iyong sitwasyon. Hinihikayat ka naming kumilos agad."

reddit.com
u/Dragonfruit69- — 9 days ago

Nagsimula ang aking pagsusugal dahil sa mga di inaasahang pangyayari, kasabay non nagrereview pa ako sa board exam(di na maipaliwanag yung stress ko dito). Wala ako makausap, wala ako mapagkwentuhan, mapagsabihan ng mga problema ko (di ako sanay magopen up....) Isang gabi may nakita akong ads, at dun na nagsimula. Nanalo ko nung una kong triny (medyo malaki) pero pinatalo ko din kasi for me, it's not about the money, it's about the feeling. Hanggang sa nakapasa at after a few months bago magwork, naibenta ko yung gadget ko tapos nagsugal nanaman imbis na panimula at may ipon. Natalo, nanalo, natalo, nanalo. Nabaon sa utang, nakabawi, paulit ulit hanggang sa ilang buwan ganon ulit. Yung panalo ko hindi tumatagal sakin. Fast forward ngayon buwan, after a few months of not gambling. Eto na yung pinakamalala kong talo, wala na talagang bawi. Hindi ko alam san ako kukuha pambayad, alam na ng magulang ko, mga kapatid ko. Handa naman sila tumulong pero ako tong matigas ulo, di ko matanggap na hindi ko nabawi. Almost 1 week nakong di nagsusugal tapos ngayon araw mismo, bigla nalang ako nagsugal. Ayon dagdag nanaman sa utang. Kailangan ko nang harapin, bayaran ang utang. Today marks the day that I will stop gambling. Dami ko na nasaktan. Pati ulo ko sira na. Kailangan ko na magbago at pakita sa mga taong handang tumulong sakin na, kaya kong tumigil.

reddit.com
u/Dragonfruit69- — 24 days ago