Pa-share kasi ang bigat potek
Mag-2 years na kami ni jowa this August. At hindi ko alam kung paano ko ie-explain nang maayos kung gaano siya kabuting tao.
Hindi siya perpekto. Hindi siya mayaman. Pero siya ’yung klaseng tao na kapag may kailangan ka, gagawa at gagawa siya ng paraan kahit kapalit non sarili niyang pahinga. Lagi kong naririnig ang "Jeee...(insert favor here)"
Noong pandemic pa lang, siya na halos sumalo sa pamilya nila. Sa mama niyang nagkasakit hanggang sa mawala nitong January. Sa mga kapatid niya. Sa mga pamangkin. Sa kung sino mang kailangang saluhin kapag gipit.
Tahimik lang siya.
Hindi siya reklamo nang reklamo.
Hindi siya ’yung lalaking ipapamukha sa’yo lahat ng ginawa niya.
Ang problema, habang sinasalo niya lahat, siya naman ’tong unti-unting nalulubog.
Online loans. Coop. Utang sa tao. Paikot-ikot na lang siya.
At ang pinakamasakit, kahit hirap na hirap na siya, inuuna niya pa rin ibang tao.
2 months ago, kakabayad ko lang ng sarili kong mga utang na dala ko pa since pandemic. Akala ko makakahinga na ako finally.
Tapos nagkasakit ako. As in bad enough na kailangan na talagang magpacheck up. Alam kong wala kaming extra. Alam kong panibagong stress na naman kung mangungutang. Gusto kong tiisin, itulog, water therapy... inaaway ko siya kapag binabanggit niya ospital kasi nga ang gastos.
Ayaw niya.
Literal na binuhat niya ako papuntang ospital. Nanghiram ulit siya para lang mapagamot ako. Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko ’yon. Potek na 'yan.
Kasi ganon siya. Kapag mahal ka niya, ibibigay niya lahat kahit wala nang matira sa kanya.
Ngayon, pareho kaming nagtatrabaho. Customer service, call center. Sapat para mabuhay. Hindi sapat para makawala agad. At nakikita ko siya minsan, tahimik lang, tapos iilaw phone niya. Alam ko na agad.
Panibagong singil. Panibagong pressure.
Minsan nahuhuli ko siyang nakatulala lang. Minsan pilit siyang tatawa. Minsan sasabihin niyang okay lang. Pero kilala ko siya. Pagod na pagod na siya. Minsan naririnig ko siyang umiiyak "nang tahimik" kapag nakapikit na ko okaya hanggang panaginip gusto na niyang sumama sa mama niya. Ang sakit potek.
Ang sakit kasi wala akong magawa.
Recently nalaman ko gaano kalaki pa pala natitira. Sobrang laki. Hindi ko na sasabihin exact, pero enough para maintindihan kong kaya pala parang hindi siya makahinga minsan. Hindi ko alam. Ang helpless ng pakiramdam.
Mahal na mahal ko ’tong taong ’to.
At kung may isang bagay akong gustong mangyari bago anniversary namin this August, hindi regalo. Hindi travel. Hindi date.
Gusto ko lang makita siyang huminga nang maluwag.
’Yong genuine.
’Yong walang kaba kapag tumunog phone niya.
’Yong hindi niya iniisip paano ulit tatawid sa susunod na cutoff.
Help. Hindi ko alam anong kailangan ko marinig. Hindi ko alam kung practical ba ’to o emotional lang ako. Siguro gusto ko lang may makabasa nito at magsabing hindi siya talo. Kahit prayers na lang.
Kasi sa totoo lang, pakiramdam ko sobrang unfair ng buhay sa mga taong katulad niya.
’Yung ubos na ubos na kakabigay, pero sila pa rin ’yung mas hirap makahinga. Hays Love, kaya natin to ah! Laban ka pa konti, pls pls 🥹