
Ramdam ko yung gigil at hiya ni Senator. Risa Hontiveros sa interview niyang ito.
Sa isang interview dito ni Sen. Risa Hontiveros kina Robert Mano at Doris Bigornia, ramdam na ramdam mo yung galit at hiya niya para sa mga Pilipino. Grabe ba naman kasing ginawa ni Alan "Ambassador of Jesus Christ" ginawa ba namang shooting ground ang senado.
Yung lugar sana na kung saan pinaglalabanan ang mga ideya para sa ikabubuti ng mga Pilipino, eh ang nangyari ay labanan ng armas o mga baril. Sobrang nakakahiya.
Ganito na ba talaga kababa ang ating mga senador? Nung nangyari to talagang lahat ng majority senators naka-live pa sa Facebook to add to the drama. Queue in drama actress Imee Marcos. Tapos may pagpatay pa talaga ng ilaw. Under attack daw sila tapos eventually, kinumpirma ni Jonweak na the senate was not under attack naman daw talaga.
Kitang kita din sa CCTV na wala naman talagang binabaril ang OSAA. Tapos pagdating ng mga madaling araw, nakatakas na si Bato sakay pala ng sasakyan ni Robin. Nung tanungin ni Mel Tiangco sa isang interview eh hintayin na lang daw ang imbestigasyon?
Talagang namumuro na itong mga tsinators na to eh. Grabe na ang impunity ng mga ito! At ang nakakapanlumo sa lahat ng mga ito ay ang pagpalit kina Kiko, Bam, Win Gatchalian as chairmans ng finance, education at agriculture.
The Filipino people will remember. Lahat ng kagaguhan niyong mga tsinators may balik din yan sa inyo. Mananaig pa din ang kabutihan.
Sara Duterte litisin! Bato Dela Rosa arestuhin! Ikulong lahat mga kurakot!