
u/East-Consequence-929

Nag resign ako last month kahit walang safety net kasi ayoko na talaga sa previous company. After 4 years walang progress. I just want out. Ngayon may opportunity na dumating, but hindi ito yung ineexpect ko na income na papasok. Mababa na nga yung previous, mas mababa pa ngayon.
Hindi ko alam kung ipupush ko pa hintayin mag start itong new company na magiging manager level na agad ako or maghanap na ko ngayon ng ibang work. Nagpapatong patong na bills to pay ko, hindi na ako nakakapag-share kay mama, hindi ko pa marelease final pay ko dahil may need bayaran. Dumaan yung katapusan ng April na walang pumasok sakin na pera.
Ang hirap hirap, hindi ko alam kung saan kukuha ng pang tustos.
I really like to pursue that managerial position kaso ang tagal pa magsstart ang payroll. Nasa renovation stage pa lang ang office, nag cconstruct pa ng org chart. Naiinip na ko magtrabaho at sumahod. Kung hindi lang nakakahiya sa magiging boss, mag papa advance na ko eh. Sabagay, choice ko naman mag resign pero parang “bahala ka na Lord” ang vibe.
Humingang malalim,pumikit na muna.