Ghost Priests na binayaran ng mahigit 160k pesos, natuklasan sa Hagonoy, Bulacan
Ayon sa dokumentong hawak ni Rdo. P. Jose Rodel Ponce, rektor at kura paroko ng National Shrine and Parish of St. Anne sa Hagonoy, Bulacan, naglabas ang lokal na pamahalaan ng Hagonoy ng mahigit Php 160k na stipend para sa mga paring nagmisa sa Pista ng Hagonoy. Pinabulaanan ng kura na tumanggap sila ng nasabing halaga simula nang siya ay madestino rito. Wala rin umano siyang nakasamang sampung pari sa mga nangyaring pagdiriwang na ito sa nakalipas na panahon.
Video mula sa Facebook page ni Atty. Mildred Ople, na hango mula sa livestreeming ng National Shrine and Parish of St. Anne - Social Communications, ng Banal na Misa noong May 17, 2026.