Nagaway dahil sa pickleball
Problem/Goal: Nagaway kami ng husband ko dahil lang sa pickleball, para naopen lahat ng issues namin sa buhay lol
Context: I posted this on a different subreddit days ago, now dito kasi I need some Recently, husband and I got into a huge fight because of a very petty reason. In short di ko masabayan competitive nature nya while playing pickle ball.
Sobrang babaw diba, then it blew to a huge fight. Nagkasagutan kami kinabukasan - reason nya is ayaw ko saw isaulo at intindihin mga tinuturo nya - reasons ko is im trying my best naman talaga and mas nakukuha ko pay support at kind words sa iba naming kalaro kesa sa kanya na mismong asawa ko (pag kasi kami yung magkasama laging talo tapos sobrang visible sa mukha nya yung disappointment na tipong nakakahiya sa mga kalaro namin kasi sobrang halata na bad mood sya) In short sabi ko di nako sasama sa kanila kapag may laro sila.
After that walang pansinan, di nya din sinagot yung mga sinabi ko ni ha ni ho wala. Umalis ako nung araw na yon just to blow of some steam, gumala ako with friends from 12pm-7pm, take note alam nya naman na may lalad ako nung araw na yon. Paguwi ko bigla namang sya ang umalis at ni hindi sinabi kung saan sya pupunta, tinawagan ko pagkalabas na pagkalabas ng sasakyan and ang sabi nya lang sakin magsara nako at basta daw. Sobrang frustrated ko umalis ulit ako ng bahay at di ko alam anong gagawin. I ended up eating alone at a coffee shop late at night. Then hinanap nya ako.
Umuwi na ako sa amin, we talked. Still not okay. He’s not sorry din, sabi nya sakin di ako makatanggap ng criticism, ayaw ko daw magimprove at iniisip ko na hanggang dito lang ako. Na need ko ng patuloy na improvement sa lahat ng bagay, I feel like hindi ako magiging enough, I dont know is this normal? Or di lang ako makatanggap ng criticism talaga?
And then naopen pa yung topic na he cannot be gentle with me daw + tough love lang kaya nya ibigay at para din naman daw sa akin ito. Honestly? We’re acting now as if nothing happened, I opened up naman yung naramdaman ko at naintindihan naman daw nya why hindi pa ako fully okay. Kaso how can I be okay ba talaga?