u/Emotional_Can3934

masama ba ako pag dko gusto MIL ko?

so for context, noon na -admit yung bsby ko dahil sa pneumonia. nahawaan sya ng ate niya which is pamangkin ko na na admit din dahil sa pneumonia pero mas nauna siyang makalabas ng hospital.

nung una hindi naman ganon ka grabe yung ubo ng baby ko. not until bumisita yung MIL ko sa bahay namin. karga karga niya yung baby namin tas inuubo sya. d manlang niya naisip mag cover ng mouth niya kase nasa harapan niya yung bata, karga niya. tapos, ang lala pa naman ng ubo niya. mula non, napansin kong lumala ang ubo ng baby ko na dahilan ng pagka admit namin sa hospital.

ngayon, bumalik ulit yung ubo ng baby ko. nagvisit na naman sila, and ganon pa rin. inuubo pa rin sa harapan ng baby ko tas hinalikan niya pa. d manlang naisip na bata pa at madali lang hawaan. ngayon natatakot ako na maadmit kami sa hospital again.

hindi ko naman masabi na ”ma, wag ka lang muna kumarga kay baby kasi inuubo ka" kasi syempre ayaw ko ng gulo, at ako naman yung magiging masama.

tapos piniplit pa na igala namin sakanila eh hindi ko nga gusto na dalhin yung baby ko kung saan saan kasi nakakatakot magkasakit ngayon. tas sasabihin lang kaya nagkakaubo yung bata kasi nasa bahay lang, kailangan daw igala sa kanila. 🤦🏻‍♀️

help me, hindi ako napapakali kasi nagkaka anxiety ako sa kakaisip sa baby ko. balak namin siyang ipa check up ulit. and hindi ko rin alam kung paano mag start mag set ng boundaries sa MIL ko na ganto.

2 months old palang ang baby ko.

reddit.com
u/Emotional_Can3934 — 19 days ago