"Maluwag" na port modus
Hanggang ngayon ba talamak pa din yung pinipitik ng technician yung port sa NAP box?
Sakto may nakita kong technician ng Globe sa taas ng poste may nirerepair daw sya. Then ilang minuto lang nawalan ako ng internet at nag red LOS na modem ko. Agad ako bumaba para icheck yung technician kung nandun pa at sakto nagliligpit na sya ng gamit pauwi.
Sinabihan ko agad na pakicheck kasi sya lang din naman yung andun bago ako nawalan ng net.
Ang findings nya, "maluwag" daw yung port ko. Ending "iaadjust" nya lang daw pagkakaconnect sa port.
Weird lang, kasi after halos 2 years ngayon na lang ulit ako naka experience ng ganitong issue.