SJ PRO TIPS
As someone na mahilig gumimik sa SJ bigyan ko kayo ng tips sa mga gustong pumunta dito soon.
Uminom muna kayo sa places na mura like turtlebeach, store sa gilid gilid or (ang pinakadabest) bumili ng alak sa 711 then magdala ng camping chair at table at pumunta sa tabing dagat - nakasave ka na, nakalibre ka pa ng music. (madalas pumepwesto kami malapit sa little surf maid kasi may banda dun at sobrang lakas ng music, maririnig mo din talaga na parang nasa malapit ka lang)
Pag medyo amats na tsaka kayo pumunta sa target nyong bar like flotsam,hara, after hours, etc.
ang ideal time na pagpunta sa mga bar is 10pm. pero kung flotsam/hara ang pupuntahan nyo, 7pm palang pumila/pumunta na kayo kasi bandang 10pm puno na yan.
sobrang pricey ng alak sa SJ ngayon at kung gusto mong magenjoy na hindi masyadong nabubutasan ang bulsa, try niyo yan hahahha always naming ginagawa yan at so far sobrang saya naman ng experience.