u/FairTea4916

OA lang ba ako for feeling left behind?

May close friend ako na parang bestfriend ko na rin talaga. Since highschool magkakaibigan na kami and ngayon professionals na kami lahat. Single siya ever since highschool, may mga fling pero walang tumatagal. Kaya naging normal na siya yung constant third wheel namin ng bf ko. Kasama namin siya halos everywhere, gala, rides, camping, kahit saan gusto namin puntahan.

Then one time, pumunta kami sa grandparents ng bf ko sa Central Luzon. May pinsan bf ko doon na nakasama namin gumala, tapos nagkagusto agad sa friend ko. Inask pa niya bf ko kung single ba si friend. Ayun, doon nagsimula lahat hanggang sa nagkakilala sila.

Eventually, kami pa ng bf ko yung laging sumasama sa friend ko para makadalaw siya doon kasi hindi siya marunong magmotor mag-isa. Adjust pa schedules namin para lang may kasama siya. Wala naman problem samin kasi gusto namin siyang maging masaya.

Naging sila pala eventually, though noong una di nila inaamin. Gets naman namin kasi baka nahihiya pa. Pero habang tumatagal, parang naging sobrang secretive na.

Nagkaroon kasi ako ng family problem last year. Dahil doon, di na kami masyadong nakakalabas ng bf ko. Pero itong friend ko, namimilit pa rin minsan na samahan siya. May one time pa na bumabagyo pero sinamahan pa rin namin kasi nahihiya ako baka magtampo siya pag di sila nagkita ng bf niya.

After nun, bigla nalang siya naging distant. Malalaman nalang namin sa ibang tao na bumibisita na pala siya sa bf niya or bumibisita bf niya dito sa hometown namin. Hindi naman issue samin na pumupunta siya mag-isa, actually good for her kasi kaya na niya. Ang weird lang is bakit parang kailangan pa itago samin? Hindi naman kami ibang tao. Kami pa nga yung tumulong para magkakilala sila.

Kami kasi ng bf ko, lagi namin siya naiisip noon. Kahit may gala lang kaming dalawa, lagi namin chinecheck if free siya or may time sumama kasi nakasanayan na namin siyang kasama. Pero habang nagiging distant siya at sobrang secretive nila, parang nawalan na rin ako ng gana yayain siya. Feeling ko tuloy naiwan kami or parang hindi niya kami cinonsider as close friends sa dami ng tinatago nila samin.

Kapag tinatanong namin, parang laging may dahilan or palusot. Tapos ngayon may hunch pa kami ng bf ko na baka kasal na sila or buntis siya kaya lalo silang lowkey.

Hindi ko alam if valid ba nafifeel ko or OA lang ako. Hindi naman ako galit dahil may bf siya. Nasaktan lang siguro ako kasi parang bigla nalang kaming naging outsiders after everything.

reddit.com
u/FairTea4916 — 10 hours ago

Sobrang init ng panahon hindi ko kinakaya lalo na naka work from home pa ako. So i decided to buy my first ever split type aircon. May pundar na kahit papano, one at a time ✨️❤️

u/FairTea4916 — 21 days ago