▲ 13 r/u_Fairytale_0518+2 crossposts

NON-INC MEMBER DATING WITH A INC MEMBER

Hi, posting this opinion because a lot of things going on my head right now. I am dating a member of INC of over a year now. So, ang nangyari is yung mom ng boyfriend ko is INC so technically, INC din siya since little (handog ata tawag sa kanila). So yun na nga. Sa mga early months pa namin is everything went well and smooth, hindi din kami nag aaway masyado ng bf ko at kung may away man was we sorted things out kaagad. Until such time na bring up yung about sa religion, I am an Apostolic Christian (Born Again Christian) since birth, and lumaki kami sa simbahan and all. Ang kaso in my early 20’s I got backslide or hindi na active sa church, so then I met my bf, at first I thought that it’s okay (most especially sa religion namin) then mabait naman yung fam nya sakin, winelcome ako sa fam ng buong buo. And they are proud of as they say kasi ako daw ang nagpapamature sa anak/apo nila and all the good things. They never talk bad on me. So I felt overwhelmed, kasi I was showered with love and all. Grateful naman ako sa mga pinakita nila kasi no judgements and tanggap nila ako kung ano ako at kung ano man yung pasts ko.
Hanggang sa time na umabot na doon na ako nag stay sa kanila for months, like even though umuuwi ako sa amin, but mostly doon ako nag stay sa kanila—which is bahay ng bf ko. Since bawal ang live-in, they decided na mag pakasal kami, so andami nilang plano sa amin na parang wala na kaming chance mag plan for us and for our future. So yun nga going back sa religion thing, nag compromised ako. Sabi ko sa sarili ko “Why not na magpaconvert ako or e try ko lang” but deep inside in my heart, belong padin sa religion ko even though hindi na ako active dun. Nag doctrina ako for almost a month and before saking mga doctrine sessions, nag sisimba din ako sa simbahan nila, which willingness ko yun kasi nga nag compromise ako. But deep in my heart is longing talaga yung nakasanayan ko and parang bigat sa loob ko. Pero tinuloy ko yung doctrina and all, pero wala akong peace of mind, I was confused in all things, so I prayed to God, I cried and begging for guidance. And then unexpectedly, na feel ko na lang na wala na akong gana mag attend ng mga doctrina even sa kanilang church services, then if mag contact yung Minister sakin about the doctrine, binibigyan ko ng mga rason kasi hindi ko na feel. Ang bigat talaga sa loob ko. Then kumausap yung mama ng bf ko sakin kung ano daw ang problema, that was through phone call, syempre ang sabi ko wala, kasi hindi pa ako sure sa self ko. Until nag confront na ako through chat sa mama ng bf ko nga hindi na ako magpapatuloy, inexplain ko lahat2 ng sides and opinion ko, yung feelings and kung ano yung nasa puso ko. Pero ang response ng mama is, “kaligtasan” daw. Ininvalidate niya yung explanations ko and kung ano ang nasa puso ko. Ansabi pa na magpalit daw minister sakin doctrina if hindi ako comfortable. Kaso nga sa akin, hindi sa minister or kung sino, kundi sa doctrina and whole thing. It doesn’t make sense for me talaga. God knows na tinry ko talaga na iabsorb yung mga doctrines nila pero napakalaking question mark ang nasa utak ko. Confused. If mag ask man ako, they have answers based on the bible, but still hindi ako nasatisfy sa kanilang answers. I even asked them about a certain verse in the bible but they don’t know about it. So dun palang, I have doubts na but pinatuloy ko parin. So ngayun, yung mama niya is gustong makausap ako personally, pero wala akong gana makipagusap sa kanya kasi I know, ma manipulate na naman ako and there’s the guilt-tripping. So yun na nga, over 1 month na kami hindi na uusap ng mama nya and hindi na din ako pumupunta sa bahay nya, but still kami parin ng bf ko going stronger and all.

Share ko lang opinion ko guys, if ano ang masasabi nyo as I do not know bakit nakakaganyan yung mama nya, if proud sila sakin and thankful na ako ang nagiging gf ng anak nila bakit pagdating sa religion nawala lahat.

reddit.com
u/Fairytale_0518 — 4 days ago