As a daughter and a caregiver sana meron man lang ako kahati sa mga problema
Papa was diagnosed with squamous cell carcinoma in situ, tamang treatment lang sya pero nakikita ko how agonizing it is to him. Months of sleepless night, whining, pababalik sa hospital at iba't ibang doctors for his check up and follow ups lahat yon tinitiis ko. Kahit may sakit ako o walang tulog kelangan ko gawin, pati natitira kong freedom na kung dati nakaka tambay pa ako sa favorite kong coffee shop ngayon hindi ko na magawa.. Matutulog ako ng 5 in the morning, gigising ako ng 7 am to prepare my papa's breakfast and medications, may guilt tripping pa kapag nag nap ako ng 1-2 hours laging maririnig ko "buti ka pa nakakatulog" na parang kasalanan kong napapagod rin ako.
Last Saturday naaksidente ako. Nabagsakan paa ko noong nagpapalit ako ng bagong aircon na binili ko para kay papa, yung edge ng ac tumama sa hinlalaki ko. Hindi k agad napa check up at inignore ung injury until kahapon nagising ako na may lumabas na laman at pus, na infect na at nahirapan ako maglakad 🤧 kanina nakiusap na lang ako ky papa na sasaglit ako sa doctor kasi lumalala itsura ng injury mabuti na resetahan ako ng antibiotics but hopefully wag nmn umabot sa surgery kasi hndi nagustuhan ni doc itsura ng injury ko
Khit na ganito lagay ko ngaun ako pa rin lahat, na realize ko na walang exemption khit ano pa mangyari sakin.. Nag aalala rin naman si papa pero hndi ko sya pwede pabayaan, naaawa rin ako sa knya pero na realize ko na sana may kahati man lang ako sa problema.. Sana may kahati ako sa pag aalaga sa knya,.
Wala ako aasahan sa ate ko, since maging citizen sya sa ibang bansa hindi sya nakaka isip umuwi maliban nlng noong naka burol na mama nmin. Hndi rin naman sya nagpapadala kasi nasanay kami hndi humihingi ng pera s knya at hnahayaan lng namin magkusa. Nasa spain sya ngayon nagbabakasyon with her boyfriend, alm ko nag eenjoy sya kaya ayawko sirain moment na yon at ayoko isipin nya na puro problema nlang binabanggit ko sa kanya.
We only afford on call caregiver, 70k combined income namin ng papa ko(pension nya + sweldo ko from my wfh job) pero ngaun na sobrang tipid nmin dahil mahal gamutan at mag papa laboratory na naman dahil nagmamanas paa nya kelangan ko ulit i sacrifice rest ko kasi ung ibabayad sa oncall cg idadagdag nalng sa mga tests
Nakaka pagod na, umiiyak nlng ako sa sobrang stress at napapatanong kung ano nagawa namin to deserve this.. Humihiling na sana may karamay ako sa laban n 'to