MCA Corporate trauma ba ito, exhaustion, existential crisis or lahat ng nabanggit?
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaranas nito. May Bachelor's degree ako galing sa isang kilalang school sa NCAA. Nag resign ako sa 4 companies with high-paying jobs sa loob 8 months recently. Sobrang laki ng pinagkaiba ng sahod kumpara sa mga nauna kong companies na pinasukan ko. Pero bago ko naman marating to, ilang years din ako nag tiis sa mga companies na mababa ang sahod dahil comfortable ako roon at hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang plans ko sa buhay. Hindi ko lang talaga alam. Everyday pinipilit kong bumangon, mino-motivate ang sarili ko, at laging may anxiety at natatakot na magkamali. Madalas, nao-oover explain sa mga group chats either tama ako or kung minsan kahit maliit na mali ko. Tapos last week narealize ko ilang years na din na pinipilit kong convince ang sarili ko na maging okay sa existential crisis na nararamdaman ko after college grad. Hindi ko gusto ang course ko, at hindi ko alam kung saan ako patungo o kung anong career ba talaga ang papasukin ko. Dagdag din yung mga company na pinasukan ko na super toxic ang environment at management. Sobrang nag reregret ako na natakot akong subukan dati pa kung ano talaga ang gusto kong gawin right after college and itry yung childhood dream job ko kasi natatakot ako na mawala ako sa path ng degree ko. Ngayon, pakiramdam ko nasayang ko ang 8 taon ng buhay ko na hindi ako nag try. Lagi ko ring naiisip bakit sa akin nangyari ’to? While yung iba kong batchmates, okay na sa buhay nila.
Sa point na to, hindi ko alam kung weird or stupid na nag resign ako sa recent high paying job ko at nag-apply ako as cashier at cook sa isang local fast-food chain. Hindi ko rin alam kung bakit, pero masaya ako ngayon. Parang nabawasan yung bigat at stress na matagal kong nararamdaman. Kahit yung 1 month na sahod ko dito ay 7 days ko lang ng dating sahod ko. Basta hindi ko alam kung bakit mas magaan ang pakiramdam ko. Bigla na lang din akong umalis sa bahay at lumayo sa mga taong nakakakilala sa akin. Hindi ko sinabi sa kanila kung ano next move ko dahil sobrang judgmental ng mga tao sa paligid ko. Nagtrabaho ako sa isang malayong lugar. Am i wrong na masaya ako sa ganitong klaseng life at job?