Pre employment medical- pwede pa reschedule?
May pre employment medical exam ako sa Monday, dapat kahapon yun pero pina reschedule ko ng Monday, kala ko kase ookay na ako. Kase kagagaling ko lang din ng flu, 3 days ako me lagnat, (hawa sa daughter ko) then parang 2 weeks ata ubo ko, then gumaling naman ako. Tapos last weekend, nag ubo na naman si daughter ko, then nitong Tuesday, ubo na rin ako ng bonga. Ngayon, me sipon na rin at me halak, sa umaga plema na green (sorry TMI) pwedr kaya ako mag request if pwede ako magpa reschedule ng medical ulit, kase baka maka apekto sa medical ko lalo sa xray. Ngayon lang ulit ako makakapag work after being sahm for 9 years. Di ba nakakahiya? Magpa check up naman ako and if need nila med cert, okay lang naman din sakin. Nov 3 pa start ko. Thank you.