u/Fun_Shine8720

Gigil ako aga-aga!!!

Grabe. Sobrang stressful ng nangyari kagabi. Yung agent ko kasi may depression and anxiety, tapos bigla siyang nag-AWOL mid-shift kasi na-trigger daw siya sa post ng coworker about mental illness. After break, di na bumalik. Tinatawagan ko, dedma. Pero kita ko sa Teams, online naman, green to red yung status. So alam mong andun siya, iniignore lang talaga ako.

Kinausap ko siya later kasi gusto ko naman maintindihan paano makatulong, tapos regularization na rin nila so hiningi ko na rin diagnosis and fit-to-work cert. Beh, bigla ba namang humagulgol. As in toddler-level iyak, tapos sumisigaw ng “HINDI AKO BALIW!” Tapos mas lumala kasi yung ate niya sumabat at pinagmumura pa ako. Sinisisi pa ako na parang wala raw akong ginagawa at pag may nangyari sa kapatid niya, kasalanan ko daw?! Gigil na gigil ako honestly. Parang gusto ko sabihin, “Ate, kung hindi okay kapatid mo, baka pahinga muna sa work?” 😭

Hay buhay. Dami nang bills, may ganitong stress pa 🤣

reddit.com
u/Fun_Shine8720 — 5 hours ago

My ausome kid can now read 🤎

YES! Marunong na magbasa ang anak ko. Yung baby ko na dating hindi lumilingon sa pangalan nya, marunong na magbasa ngayon. Tuwang-tuwa kaming dalawa kanina, kasi pinahapyawan ko lang ng English words (CVC), pero nabasa n'ya. Ambilis n'yang natutunan. Nakaka-proud, grabe. Kita ko sa mga mata n'ya yung pride. It melted my heart.

Naalala ko pa dati, halos hindi magtagpo ang mga mata namin, hindi n'ya ako matawag na Mama, panay takbo lang s'ya at khit tawagin mo hindi lilingon. Hindi s'ya marunong maglaro ng mga laruan. Hindi marunong kumain mag-isa. Hindi makapagsabi ng mga gusto at kailangan n'ya. Pero ngayon? Ang dami nang nagbago. Mas dumali na ang buhay n'ya. Nakakapagbihis mag-isa, kumakain mag-isa, hindi na naka-diaper since last year, marunong na magsulat ng buong pangalan n'ya, at higit sa lahat MARUNONG NA MAGBASA.

I'm so happy. Di ko maimagine dati, pero kaya pala. 🥺 trust the process lang talaga and ALWAYS HAVE FAITH IN HIM.

My heart is so full. Yung mga fears ko unti-unting nababawasan. 🤎

"Malayo pa, pero malayo na."

reddit.com
u/Fun_Shine8720 — 7 days ago