u/Giggly_Snek

OA lang ba ako o ang hirap magjoke sa nanay ko?

Parang ang hirap magjoke kapag malapit nanay ko. Hindi naman nanay ko kausap ko kanina, yung kapatid ko. Alam niyo yung tipikal na "Oy baka si ano titser mo" na joke? Binanggit ko lang pangalan nung isang titser na previous teacher ng kapatid ko na nahirapan siya, nanay ko nagalit na. Sabi wala raw sa tama ang joke ko.

Hindi lang sakin ganito nanay ko. Kahit sa kapatid ko kapag nagjoke din ng ganun kahit toward sakin or basta kahit hindi sa kanya, makarinig lang, maiinis na. Sa tatay ko naman okay lang ganun na joke. Yung mga pang matured na jokes din okay kay tatay pero kapag nakakarinig nanay ko ng wala sa tama na joke, galit na yun buong araw. Mind you, senior na tatay ko pero alam niya kung ano ang joke lang.

Ang sabi pa ng nanay ko sakin mag asawa na raw ako para di na niya ko makita.

reddit.com
u/Giggly_Snek — 3 days ago

"May pag asa payan tumangos ilong mo, gamit lang neto clip"

????

Bata pa lang pero kinokontrol na agad ng magulang ang katawan. Eh ano naman kung pango? At least may ilong. Mukhang nahihirapan huminga ang bata. Hindi ba to parang trture na?? Gigil kainisss

u/Giggly_Snek — 22 days ago