Di ko dama na magsimba at lumabas ng barangay namin.
Ever since he ended our relationship, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Palagi akong pagod, malungkot, disappointed. Di ko nararamdaman yung passion ko sa ginagawa ko, di ko nakikita yung determination ko sa pag aaral para sa preparation for the board exam, di ko kayang tumapak sa simbahan para magsimba, at di ko rin kayang kumain ng dinner ilang araw na. Eto ako ngayon kauuwi ko lang galing work, i decided na mag overtime, pero pagkapasok ko ng bahay ambigat ng pakiramdam ko, umiiyak ako ngayon habang nagtatype ng post na to.
Nakakapagod. Gusto ko nalang magpause for a while para magback on track ako. Pinipilit kong magpakabusy despite of these things that are happening to me. Yung light na nag iignite sa puso ko biglang namatay na. Ayoko naman ng ganitong drama pero eto yung nararanasan ko ngayon.
Sorry Lord, tumanggi ako magserve sa anticipated mass ngayon. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay at napapagod rin ako at the same time. Di ko na rin kilala sarili ko ngayon kasi lahat ng tawa at joyful emotions ko ay peke. Walang galing sa puso, walang galing sa totoong nararamdaman ko, I just need to cover up the sadness that I’m experiencing right now.