Sukong suko na ako sa workplace ko
30 (m) Pasig city . As simple as I am ayoko na mag tago or magsinungaling sa mga nangyayari sakin sa putang inang workplace ko sa totoo lang
Ever since na pumasok ako sa workplace ko as a all around ( dishwasher ,janitor , taga hiwa Ng ingredients etc) which is Isang kainan puro nalang kagaguhan at kademonyohan Ang nakikita at na ee experience ko
Unang una na nakikita ko eh mga ugali Ng kasama ko na matatandang babae ( Isang tomboy , Isang 40+ , Isang 20 yrs old at Isang bakla)
. Sila Yung tipo Ng susuko ka kapag baguhan ka dahil puro pressure , bulyaw pag nag kamali at pambu bully Ang nararanasan mo . Ayaw na ayaw nila masapawan sa ginagawa kaya pag di nila nagustuhan Yung baguhan eh mag tataray sila pagkatapos isusumbong sa bisor naming tomboy na napakabilis mag sumbong sa may ari without knowing kung anong nangyari . Pag katapos ay Bigla Kang tatawagan Ng may ari at kahit anong paliwanag mo Ng maayos eh bingi Ang may ari samin. Napaka one sided nilang tao . Sa totoo lang walang nag tatagal na baguhan samin dahil tinatanggal agad Ng boss ko para di Magalit mga kasama Kong mga halimaw . Isa pa mahirap silang paliwanagan Ng maayos . Ikaw pa babaligtarin at instead na makipatulungan Ang nangyayari ay bullyhan Ng mababang kasama
Pangalawa Yung Sistema sa trabaho . Susko po kulang Ang putang Ina sa sobrang garapal . Ayaw ko mang mag mura at swear pero kung pwede lang isigaw sa trabaho matagal ko na ginawa . Napakababa Ng sahod namin 350 pesos lang for 9 hours . Pag nagkamali kapa kaltas Malala . Bukod sa kaltas puro sermon pa sa may ari mapapakinggan kapag tumatawag kahit di Siya nag iimbestiga sa sobrang daming CCTV .
Pangatlo at Yung mismong kinadidismaya ko at kinalukungot Yung dayoff MISMO . Need mo pwersahin na mag paalam na may kasamang paliwanag kung bakit need mo mag day off Isang beses sa Isang linggo . Pagkatapos nun instead na I grant Yung dayoff Isang beses Isang linggo babawasan pa nila ito gagawin nilang Isa or dalawang beses sa Isang buwan ganun sila kagarapal . Ako lang ata sa trabaho Ang alam Ang karapatan Ng manggagawa . Mga robot Kasi kasama ko na di nag dadayoff tapos pag nagkasakit eh mag rereklamo mga ubod Ng Tanga ( sensya sa word frustrated lang ) tapos kwekwestiunin kapa kung bakit nag ooff ka ganun sila ka ungas .
Ngayong araw ako napagdiskitahan nila at halos sa di ko malaman na dahilan Yung kasama Kong matanda na dishwasher eh Galit na Galit sakin sa di malamang dahil . Panay sigaw at sisi sakin sa kung anu anong dahilan . Dag dag pa Yung taga assemble Ng order na bakla na mama mamahan Niya . Matapos noon ay pati bisor naming tomboy ay napagsasabihan na ako sa di ko ring malaman na dahilan . Halos ako lang mag Isang sumasagot sa kanila pero naawa na ako sa Sarili ko dahil sa Dami Ng pinagdadaanan ko sa putang inang workplace na to . Ang Dami Dami ko Ng reason para umalis . Kaya nag sisimula na ako mag hanap Ng bagong trabaho . Sukang suka na ako dito nakakaputang Ina talaga sobra !! .