Anyone here na may 2 full-time jobs na parehong may taxes at government benefits?
Need lang sana ng advice from people na naka-experience na nito or may kakilala na nasa similar situation.
A while ago, may regular full-time job na ako. Eventually, nakahanap din ako ng second remote job as an independent contractor para lang madagdagan yung income. Since contractor siya noon, wala namang government benefits and okay naman yung arrangement.
Recently, nagbago yung setup. Yung second job became a regular full-time employment na rin, so ngayon parehong full-time yung trabaho ko. Both employers now process payroll, deduct taxes, and remit government contributions.
As of now, neither employer knows about the other.
Sa work mismo, wala naman akong issue. Hindi nag-o-overlap yung schedules ko in a way na naaapektuhan yung performance. Nakaka-attend ako ng meetings, natatapos ko yung deliverables on time, and so far okay naman feedback sa akin from both sides.
Ang concern ko talaga is hindi yung workload, kundi yung possible implications nito in the long run.
Sa mga naka-experience na nito:
- Nagkaroon ba kayo ng issue dahil parehong employer nagre-remit ng taxes at government contributions?
- Nahuli ba kayo ng isa o parehong employer? If yes, paano nila nalaman?
- If nahuli kayo, ano nangyari? Na-terminate ba kayo agad, pinapili ng isang trabaho, or wala namang naging issue?
- Possible ba na malaman nila through BIR, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, or payroll records? Or usually ibang dahilan kaya nalalaman?
- Kumusta yung annual tax filing niyo? May naging complications ba?
- Meron ba ditong naka-maintain ng ganitong setup for years? Ano yung mga natutunan niyo?
Hindi ako naghahanap ng paraan para magtago or umiwas sa company policies. Gusto ko lang malaman yung real-life experiences ng mga taong dumaan na dito para mas maintindihan ko yung actual risks at kung ano dapat kong i-expect.
Open ako sa success stories pati sa cautionary tales. Any advice or experience would be greatly appreciated.