Leak sa inuupahang apartment
Problem/Goal:
May compensation ba ako na pwede i-demand regarding sa upa ko dahil may leak sa unit? Umabot na almost half ng kwarto ang nababasa dahil sa tulo.
Context:
May leak sa kisame ng inuupahan ko at gumagapang na kaya lumalawak ang natutuluan. Studio type to. Last yr ng August ako dumating at may konting leak noon. D naman ako naaabala noon dahil sa doorway at isang corner lang, pero nagnotify ako sa may ari. Sabi niya saluin ko lang daw ng tabo at papawalisan niya sa taas para d na maipon ang tubig. Niraise ko naman repeatedly na baka magkamolds pero nagsasabi lang sha na aayusin niya un. This year super lakas ng ulan at tuloy tuloy for two weeks na. July 28 nag message ako na may ibang leak na sa kisame. Hanggang palala nang palala everyday at sumikip na ang area na usable. Hindi na ako doon natutulog dahil hindi na peaceful at comfortable. Halos half ng unit ang basa ang sahig. Hinayaan ko na lang at nauwi ako everyday para magmop kesa mamaho ang mga basahan dahil laging basa. Pero almost everyday akong nagssend ng pictures sa kanya at nagsasabi na sana maayos na.
August 11 ang bayaran ng upa. So nagsabi ako na baka pwedeng marefund yung part ng upa ko or kahit anong compensation man lang sana since ang laki ng area na hindi ko na magamit at pati sa dining table ko may droplets na. May nabasa na rin akong mga gamit. Hindi raw payag ang misis niya. Nakiusap ako ulit na baka pwedeng reduce na lang ang payment ko ng Aug. 11 hanggat d pa nila naaayos. Niremind ko sha na last year ko pa yun sinabi at nagpromise sha na okay na yun kaya ko kinuha ung unit noon. Since yun din reason ng last na renter. Natulo at napapasok sila ng tubig na naiipon sa labas. Naglagay sha ng bubong sa labas kaya d na naiipon dun ang tubig ulan. Pero hindi pala naayos ang taas. Hindi ko akalain na magiging ganito kalala.
Huling pakiusap ko sa kanya kahapon pero ayaw talaga nila ako i-compensate. Sinisingil na nila ko ng bayad sa upa. So nagsabi na ko na gagamitin ko na ang deposit at maghahanap na ko ng malilipatan.
Previous Attempts:
Lagi ako nagmmessage thru messenger and text and nagssend pictures. Huling pakiusap ko nung Aug. 11 dahil sinisingil ako ng buo.