u/Icy-Interest6277

ambulance transfer isn’t ‘pa-upo upo lang

hello po! ranting here kailangan ko lang talaga ilabas ito (long rant)

kasi ngayon super draining ng duty ko today, since dumating ako by 8 AM sa clinic hindi na ako naka rest, may handle akong patient everytime, assess dito, assess doon, im all over the place

around 9 AM, may isang patient dumating siya complaining of DOB tas sobrang putla, habang ina-assess ko siya alam ko na kailangan niya matransfer sa tertiary hospital.

nilagay na namin siya sa bed, binigyan ng O2, ordered si doc ng ECG & labs, habang hinihintay ang result ng labs ng patient, nag-assess na ako ng ibang pasyente kasi marami pang naghihintay.

so, may result na yung labs ni patient (High Crea, Low HgB Hct) CKD diagnosis ni doc. Nag call na ako sa ambulance pero sabi ng driver kakain daw muna siya kasi almost 11 AM na that time (eh 1 hour ang biyahe clinic to tertiary hospital, 2 hours naman pabalik) tas sabi ko pa update ako sir pag dadating na kayo, since wala pa yung ambulance nag-handle muna ako ng ibang patients kasi sobrang dami talaga, hindi pa ako kumain or nag meryenda, and then habang may handle ako na patient, dumating na yung ambulance (hindi ako na update na dadating siya) kaya dali-dali na lang din akong kumain kahit konti bago bumiyahe.

after transfer, pauwi na kami, pwede naman na ako umuwi kung gusto ko pero nag decide muna ako bumalik sa clinic since maaga pa, usually kasi kapag nagtratransfer ako hindi na ako bumabalik kasi close na sa clinic pagdating namin sa lugar namin.

pagdating ko sa clinic, marami pa akong nagawa, naka handle pa ako ng patient, naglinis pa ako.

ang nakakasama kasi ng loob, may kasama kasi kami sa clinic hindi siya healthcare professional, siya yung parang manager kumbaga kasi bayaw niya si doc na may-ari ng clinic, may alam naman sa management kineme.

so by the time na umuwi kami, nakikisabay kasi ako sa kanya sa pag-uwi, alam niyo sabi niya sa akin

"iba yung pagod ko ngayong araw, buti pa ikaw pa-upo upo lang sa ambulansya"

ay talaga nabigla ako sa sinabi niya beh, invalidate niya yung pagod ko beh, nakakapagod kaya mag transfer at mag overthink kung makakarating kayo ng safe sa hospital considering yung lagay ng patient kaya sabi ko "ay mam nakakapagod kaya mag transfer" sabi ko

tas sabi niya

"ay ako kasi hindi ako napapagod kapag biyahe"

hindi na ako umimik hanggang sa bahay kasi alam ko na hindi niya mage-gets na kahit “nakaupo” ako sa ambulance, mentally pagod ako. buong biyahe iniisip ko kung stable pa ba patient, kung makakarating ba safely, kung may mangyayari ba sa daan. responsibility ko buhay ng tao habang nasa transfer kami.

grabe talaga. parang na-invalidate lahat ng pagod ko this day.

hindi naman competition ang pagod. hindi porket hindi nakikita yung ginagawa mo ibig sabihin madali na.

ps.mag-isa lang ako na nurse nila sa clinic, ayaw man lang mag-hire ng isa, maburn-out na lang ako dito hays

reddit.com
u/Icy-Interest6277 — 6 days ago

Hi po! Ask lang sana ako 😭

Nag-aapply kasi kami as nurse for Saudi, tapos yung kasama (friend) ko nagwowork sa isang derma clinic. Almost 2 months na niya hinintay yung COE niya, pero nung ipapasign na sa doctor (owner ng clinic), pinatanggal daw yung job title niya.

Ngayon yung COE niya walang job title, name + employment dates + clinic details lang.

Ano kaya pwedeng gawin if ayaw talaga ng clinic maglagay ng job title? May way ba para maayos pa ito or alternative na pwedeng gawin? Kasi sabi din ng kasama (friend) ko medyo moody or mahirap paki-usapan yung doctor (owner ng clinic).

Medyo nafrufrustrate na kasi kami sa tagal ng process 😭 any advice po would really help. Thank you!

reddit.com
u/Icy-Interest6277 — 17 days ago