Sumuko na
Hiniwalayan ako ng girlfriend ko. Gusto ko sanang ipaglaban, bilang ako yung type ng tao na naghahanap palagi ng solusyon. Sa opinion ko ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para maayos sarili ko at circumstances ko. Naghahanap rin ako ng mas maayos na trabaho para mas malaki ang income at masabayan ko sya sa mga gusto nyang gawin.
pero bakit feeling ko lang ako lang ang may mali palagi. ako ang dahilan kung bakit di nag work pero pag inisip ko at binalikan ang relasyon namin, bakit parang nasa akin ang responsibilidad na ayusin ang mga bagay? parang kailangan kong patunayan sarili ko para lang magustuhan niya ako.
sumuko na ako ng sinabi nyang di na nya ako mahal. kasi ano pa magagawa ko kung yun na ang sinabi nya. sino ako para pilitin syang mag stay kung hindi na sya masaya dba?
mahal ko pa rin sya. pero pagod na rin ako. pero may parte pa rin sa akin na gustong sya naman lumaban para sa amin.