u/InheatJornales

Ang kapitbahay at ang manok

Naiirita ako sa kapitbahay namin. Ang hilig ilagay yung mga manok nila dito sa tapat ng bahay. Sinabihan ko na sila na wag ilagay dito, sagot ba naman "Eh wala naman sa gate nyo boss." I even told Barangay hall about this. Pinapuntahan ko pa. Nag reply pero hindi pinuntahan.

May ginawa naman ako para sana hindi nila lagyan: Binubuhusan ko ng tubig yung tapat ng bahay namin. Pero hindi talaga sila natitinag. Naglalagay at naglalagay pa rin talaga sila.

reddit.com
u/InheatJornales — 2 days ago

"Kuya, anong nangyayari sa Pilipinas?"

Pagod na pagod na talaga ako sa mga nangyayari sa Pilipinas kaya pinili ko na lang talaga munang mag off ng phone at tumambay sa labas para hintayin yung mga bata sa amin. Most of them, 10 to 12 years yung tanda ko sa kanila kaya nasanay na silang tawagin talaga akong "kuya". Natuwa lang ako sa mga sumunod na nangyari dahil most of them asked me:

"Kuya, anong nangyayari sa Pilipinas?"
"Ang gulo kuya!"
"Bakit nila pinabayaan si Bato?"
"Kakasuhan ba sila?"
"Gag*! May nabasa nga ako sa tiktok kuya! Bottom daw si Jinggoy?"

Although, bumalik yung stress ko because pakiramdam ko kanain ulit ako ng stress sa pulitika... nakakatuwa lang isipin na nakikita ko na 8 out of 11 sa kanila ay interesado at may pakialam sa social and political issues.

I know na sa mga susunod na taon, maaaring mag iba ang priorities ko. Maaaring mawalan ako ng pake o hindi na ako maging "vocal" but isa lang talaga yung in-impose ko sa kanila.

"Hindi dapat MAHUSAY lang, dapat may MORALIDAD."

reddit.com
u/InheatJornales — 7 days ago

Na-suspend ako sa FB nang hindi ko alam kung bakit?

Problem/Goal: Sinuspend ng FB yung account ko nang hindi ko alam kung bakit?

Context: Nag log out ako kasi naii-stress na ako sa mga nababasa ko sa politics. And when I decided to log in my account, suspended na raw ako. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari dahil ang huling sharedpost ko lang naman is yung video sa Senate na pinatatago ni Jinggoy yung CCTV at yung pagwawala ni Cayetano. Walang mura. Hindi rin naman ako nag send ng private parts or anything.

Previous attempts: Nag file ako nang appeal and agad naman nag reply yung FB na hindi na raw talaga magagawan ng paraan yung account ko.

reddit.com
u/InheatJornales — 8 days ago