



Ang na-observe ko sa iba na hindi naman masyadong may “face card,” todo explore sila kung sino ang mauuto nila. Dinadaan ka nila sa humor na minsan corny naman, tapos malalaman mo marami pala kayong sabay-sabay na kinakausap. Kapag nahulog kayo, huwag na kayo mag-expect agad na magiging loyal or faithful sila sa inyo.
Siguro dahil hindi sila sanay na maraming nagkakagusto sa kanila, kaya hinahanap nila yung validation at attention from different people—unlike sa mga attractive na sanay na sa attention kaya hindi na kailangan manghingi pa sa iba.
TAMAAN SANA ANG DAPAT MATAMAAN
Grabe, sobrang toxic lang minsan ng pamilya ko. Parang wala silang pake sa mental health mo tapos kapag nahihirapan ka, iisipin nila nagddrama ka lang or nagpapapansin. Broken family kami, tapos mama ko matagal nang hindi nagwo-work kahit healthy naman siya. Simula pandemic, halos ako na sumalo ng bills, pagkain, at iba pang gastusin hanggang ngayon.
Ngayon na nagkaroon ako ng sariling family, parang ang laki laki ng kasalanan ko kapag hindi ako agad makapag-work para tulungan at suportahan sila, lalo na mga kapatid ko. Nakakapagod lang kasi parang hindi nila nakikita lahat ng ginawa at sinacrifice ko para sa kanila.
Yung ibang kapatid ko na pinag-aaralan ko, imbes na magfocus sa school, mas inuuna pa mag-boyfriend tapos minsan nalalaman ko hindi pa pala pumapasok. Kapag naman nagra-rant ako sa mga tita at tito ko, parang ang tingin nila sinusumbat ko yung mga naitulong ko, kahit gusto ko lang naman ilabas yung pagod at sama ng loob ko.
Ang hirap din kasi lahat ng ipon mo o pambili mo sana para sa sarili mo, mapupunta pa sa kanila kasi mapipilitan kang tumulong. Tapos minsan wala man lang appreciation, kahit simpleng lambing o consideration man lang after everything na ginagawa mo para sa kanila.