u/JadedTennis4222

gets ko na kung ano meron sa 10pm 🤓

Dati nakakakita lang ako ng mga late night Reddit posts about yearning, loneliness, missing someone, wanting connection, at 10pm etc. Tapos parang ino observe ko lang sila from the outside.

Tonight, gets ko na.

Hindi naman dahil may dramatic na nangyari, or lonely.

May ka talking stage naman ako ngayon and she knows my intentions towards her. okay naman kami.

Pero sobrang tahimik lang talaga ng kwarto ko tonight.

Yung tipong mapapaisip ka bigla kung sino ba talaga gusto mong makasama, sino gusto mong kausap, at kung may taong iniisip ka rin somewhere out there.

Parang narealize ko tuloy na hindi naman pala OA yung mga taong nagpo post ng ganun late at night. Minsan tahimik lang talaga paligid mo tapos hinahanap ng utak mo yung connection.

Sa daytime kasi madami ganap. kaya sa gabi, mas malinaw sarili mong thoughts.

anyway gets ko na ngayon. 😁

reddit.com
u/JadedTennis4222 — 12 days ago

Parang may pattern ako napapansin sa mga kapwa 30s.

Habang mas nagiging cynical at bitter yung dating mindset, mas lalo ring napupunta sa situationships, mixed signals, at hindi seryosong tao.

“Wala nang matino ngayon.” “Lahat manloloko.”

“Ayoko na mag-invest, bahala na.”

Pero dahil dun, parang nagiging guarded, detached, or even negative yung energy, na ironically, yun din yung naa attract na klase ng tao, hindi rin serious, hindi rin invested, or naghahanap lang ng convenience.

Possible ba na minsan, hindi lang “walang matino” kundi yung sariling mindset natin ang nagfi filter kung sino yung pumapasok sa buhay natin?

hindi ibig sabihin kasalanan ng tao yung sariling bad experiences nila.

Pero at some point, kung dala dala pa rin natin yung bitterness sa next connection… e di nagiging cycle nalang talaga siya? diba diba? 🤔

You expect less, you tolerate less effort or attract low effort.

You avoid vulnerability, pero you attract people who don’t want depth

You assume the worst, and hindi inaasahan you push away the ones who might’ve been serious

so...? Self protection lang ba, or may point na nagiging self sabotage na siya?

reddit.com
u/JadedTennis4222 — 17 days ago

nagcomment ako sa isang post, and inedit ko. pagkasave ko bigla nalang naging English lahat ng tinype ko? wth?

so I tried another post and then ganun din nangyari... 🤔

nagbago naba ang reddit? hindi naman Ganon months ago.

reddit.com
u/JadedTennis4222 — 17 days ago