u/JustViewingHere19

Image 1 — Naaalala kita palagi. Lalo na sa tuwing magluluto ako nitong pinamana mong recipe.
Image 2 — Naaalala kita palagi. Lalo na sa tuwing magluluto ako nitong pinamana mong recipe.

Naaalala kita palagi. Lalo na sa tuwing magluluto ako nitong pinamana mong recipe.

Oi RBT! Haha

Pansit Bam-i ng Cebu..

Sa tuwing nagluluto ako nitong recipe na pamana mo,

Naaalala ko lahat ng history natin sa pansit na to.

Ung 3x na sa tuwing magluluto ka, nag-aaway tayo. Or galit ka sakin.

Pero nalagpasan natin un noon. Haha

Pero un nga gang dun na lang.

Never ko na-perfect to. Pero iba talaga sarap ng pansit na to.

Never man naging kamuka ng luto mo, at appetizing itsura, dahil ang hilig ko mag-overcook ng gulay. Masarap pa rin naman!

At iba kasi talaga ung pansit canton dyan sa cebu, unlike ng mga available dito.

Anyway, para maputol ang sumpa. I'll spill the recipe.

Dahil base sa kwento eh secret ng resto na pinagtatrabahuhan ng ex mo recipe nito. (Sana yan fiance mo hindi marunong magluto para yan na talaga. Final na..haha wag mo na pamanahan ng recipe nito ah! Last na yan.)

Kaya eto na.

Isangkutsa ang taba, liempo para masarap.

Hintayin maging crunchy at magmantika ang taba.

(Tangalin nyo na lang ung excess mantika, sagwa ng mamantikang pansit e)

Ilagay ang bawang, then sibuyas, then *patolang* julienne hiwa,

Then the rest ng karne (sahog na trip nyo depende sa budget nyo),

Lagyan nyo ng 1knorr cube, patak ng knorr liquid seasoning, then magic sarap. Silverswan toyo.

Palambutin ang karne, lagyan ng mainit na tubig, (tanchahin nyo na lang depende sa dami ng luto nyo.)

Tas ilagay mga gulay, karrots, cabbage, then pag nagtingkad kulay hanguin nyo ulit mga gulay.

Then make sure na sakto ang sabaw,

Ung *long-i vermicelli* ung gamitin nyo, (dapat nauna nyo na to ibabad sa tubig, malakas to humigop tubig.)

Then pag naluto luto na, ilagay nyo naman pansit canton (prefer ko ung crab ung logo. Mas malinamnam e)

Then tanchahin nyo na lang mga pampalasa, durog na paminta, onting silverswan toyo ulit. (Hindi na ko naglalagay ng asin e. Ayos na sakin yan may knorr cubes at magic sarap, at toyo na rin naman)

Ilagay nyo na ulit gulay.

Then patayin nyo na apoy.

Then saka nyo patakan *sesame oil*

**Patola, sesame oil** lang talaga halos nagpapaiba ng lasa nyan sa ibang pansit na nakain ko.

Pansit lang kasi talaga nitong ex ko natripan kong pansit. Simula nata ako never kasi ko kumain ng pansit. Di ko talaga bet. Pansit na luto na lang talaga kinakain ko at nagustuhan ko.

Ayun. Naalala lang kita.

Minsan talaga meron at meron iiwan mga tao sayo na nagmamarka. Haha

Nagpansit lang din pala ko dahil 6th months old na pang 14th kong pamangkin!

Alam kong tuwang tuwa ka sa mga babies kahit ikaw mismo ayaw mo magkaanak. Wala lang. Nachika ko lang. Dami ko na sana gusto ikwento sayo kaso never na talaga tayo magkakausap.

Kung makarating man sayo to. Wag na wag kang magpaparamdam sakin. Di ko alam pano kita kakausapin e. Haha

Saka baka singilin mo ko ng utang ko sayong ikaw lang din naman may gusto kaya ko nagkautang. Kaya saka na! Haha

Putol na ang sumpa ng recipe mo, RBT.

Last na pamanang recipe mo na to sakin. Yang present mo, last na fiance mo na sana yan ah. Ituloy nyo na kasal! Please lang! 😅

-J19

*Pistachio*

u/JustViewingHere19 — 1 hour ago

Friday kain!

Fried daing bangus with bawang. Sarap talaga ng bawang!

Sinigang na chicken with halo-halong overcooked gulay,

The usual adobo chicken,

At salad na karrot, cucumber, kamatis, indian mango na akala ko hilaw pa hinog na pala.

u/JustViewingHere19 — 1 day ago

SKL how I break my 85hrs fast.

Share ko lang mga mii..

First time kong umabot na lagpas 3days na nakayanan kong magfasting.

Unang 24hrs lang pala ung tindi ng crave may kainin.

Pero pag nalagpasan un. Easy na.. chill chill..

Pagkagising ko kanina, buy agad pork biyas at ribs.

Then pressure cooker agad.

Sabi kasi ni gemini dapat bone broth muna. Then onti lang para hindi mabigla chan.

Kaya around 8:30am humigop na ko sabaw. Ung katabing nilaga tinabi ko muna sa steamer.

Then around 10am humigop ulit ako sabaw, then

1cup water with 1kutsara sarili kong timplang sawsawan vinegar.

(ACV daw dapat kaso wala ako nun ngayon)

Yang gawa kong sarili kong suka, 1cup sugar cane vinegar, 2cups water,

bawang, sibuyas, luya, paminta, celery powder, cinnamon powder, cloves, red pepper flakes. Kaya pwede na yan.

Then hinanda ko na proper meal.

Nilagang ribs/buto buto, overcooked na patatas, kamote, sitaw, saba, sigarilyas, okra, repolyo.. Haha (sorry agad sa sigarilyas at okra) dapat kasi talaga sinigang. Kaso naiisip ko baka conflict sa empty stomach tapos unang higop maasim. Dahil may repolyo pa pala ko from last week. Nilaga na lang.

Adobo chicken pero dry, kasi sinalang ko sa air fryer then patak ng oyster sauce at honey.

2pcs lumpiang ubod binili ko lang sa naglalako kaninang ateng.

6mins steamed egg.

Then ung donut kagabi na choco buns. Nagsisi ako inubos ko lahat, dapat pala kalahati lang haha.

Un lang. Sana masarap din mga pagkain niyo!!

u/JustViewingHere19 — 4 days ago

😇 Thankful sa half the price..

Sobrang thankful sa mga owners ng bakeshop na malapit dito na kapag malapit na closing hour nila, half the price na.. 🥰

Pwedeng matikman lahat na kaya ng 200+ mo..

Eto 225 na lang..

Pero di ko pa to makakain ngayon, bukas pa..

Mas masarap lang din sana kung may ka-share.

Pakilala mo na kasi sakin Universe... Tagal naman kasi sa waiting room nyan inihahanda mo sakin. Hindi pa ba luto?? 😅

Haha char lang mga ka-sub.

Dinadamay ko lang kayo sa pagtatakam ko! Hahaha sorry na..

Bukas pa kasi ko pwede kumain e. Kaya damay damay na.

At opo. Masarap pa rin to bukas.. 🫡

u/JustViewingHere19 — 5 days ago

Friday tipid-tamad.. Torta, kamotes..

Pag solo living kapag tamad tayo lumabas, pagtyagaan kung ano pwedeng i-prepare sa kusina.

Tortang talong (hiniwa hiwa ko na lang di ko na tinorch ung balat. Tamad e) kamatis, talbos ng kamote na muntik ng matuyo. Sayang naman kaya sinabay ko na.

Boiled purple kamote, boiled eggs na may oyster sauce..

Ung cravings kong turon (na medyo malayo ung spot. Kaya bukas na lang ulit) kaya eto na lang kamoteng may cheese toppings st chocolate chips!!

Sarap pala!! Haha sabagay benta ng ganitong combo e. Ube pandesal with cheese pumatok nga. Eto pa kayang real kamote?

Linamnam laruin ng dila ung pinaghalong cheese at chocolate.. 🤤

u/JustViewingHere19 — 8 days ago

TT Thursday Tilmok (pinangat na may palaman niyog)

Candle light dinner kasi brown out.

Spicy Tilmok, toge lumpia..

Over ripe avocado and saging.

u/JustViewingHere19 — 9 days ago

Halo halo while walking

Ngayon lang ulit nakapaghalo halo!

Salamat naman at hindi masyadong matamis.

Saktong magatas, lasang lasa lahat ng rekado. Laki ng leche flan, may cheese pa!

u/JustViewingHere19 — 9 days ago

MM! Miyerkules meals!

Tortang cabbage, talong, kamatis, eggs

Salad avocado, beetroot, carrot, banana, kamoteng purple with cheese!!

Kain po.. 😅

u/JustViewingHere19 — 10 days ago

Nakakadalawang Karmic lessons na ko.. 🫪

Kelangan ba 3 ung karmic para soulmate connection na next? Haha

Ung unang dalawang karmic, sa umpisa akala ko soulmate na un.

Pang character development lang pala talaga..

Kailan matatagpuan ung huli? Kelangan ba may ultimatum?

Ge pag di ka pa dumating tatumbling na ko sa tuktok ng Mayon!?

Pano ba i-summon yung soulmate connection? Haha

Haaay.

Marhay na hapon mga ka-feels!

Iniiiiiiiit!!

u/JustViewingHere19 — 11 days ago

Kain!! Pangli sinigang at adobo

Kainnnn po!!

Panglimang init na sinigang at adobong mag-ina.

Avocado,

Pili,

Torta chicken, empanada, lumpia veggies, cheese waffle tinda ng neighbors.

u/JustViewingHere19 — 11 days ago

Sabaw Sunday!!

Kain po!!

Mag-ina! Adobo chicken.. boiled egg.

Happy mother's day senyo mga mapagmahal at mapag-arugang mga ina!! Araw nyo to, enjoy your day!

Sinigang na salmon head, may shabu-shabu mix din at halo-halong gulay. Gabi, kamote, sigarilyas, talong, pechay, kangkong,

(Sorry sa mga nawiwirduhan sa kung ano ano na lang nilalagay. Ung kasi available. Gusto ko lang kasi natural na lumalapot kaya may kamote.

Salad! Beetroot, cucumber, carrots..

u/JustViewingHere19 — 13 days ago

Ang hirap ubusin 😅

5pcs honey-soy marinated egg,

Nilagang kamoteng purple,

Chicken adobo panganim (na init. 3rd day na to e),

Salad (beetroot, carrot, cucumber, kamatis)

Cheese waffle & spagmacaroni (tinda ng neighbor)

u/JustViewingHere19 — 14 days ago