u/Just_Designer_5094

Kukunin mo akong Ninang ng anak mo, di naman kita kilala

Medyo matagal na to pero everytime na naaalala ko naiinis ako. Meron kasi kaming "kamag-anak" sa probinsya na buong angkan ata gustong idikit ang pangalan sa pamilya namin. Nung nagpakasal yung nanay at tatay, Ninong sa kasal yung father ko. Ang parents ko may pera talaga pero retired na both kaya di basta basta ang pera, pinag iisipan san gagastusin.

Nung kasal nila, parents ko sumagot nung pambayad sa simbahan (ganun daw sa probinsya, not sure), voluntary? NO. Nagdemand? OO hahaha! Nabuntis yung babae (kamag anak raw namin) at gusto kunin na Ninang/Ninong yung parents ko. Ang sabi ng father ko, iba naman daw kunin kasi nga sila na sa kasal, pati ba naman daw sa anak. Aba ang g@ga, ako ang kinuha na Ninang ng anak nya. Biglaan b3h, nilista muna sa simbahan bago nagsabi??? Sinabi ng father ko na yung kapatid ko na lang na nandun rin sa probinsya ang kunin na godparent kasi di rin naman ako makakauwi dahil di naman ako tambay lang dito samin. Hala ayaw, ang sabi raw sa father ko "yung anak mo na lang na taga-Manila" kingin@ HAHAHAHAHA

Side story lang, malaki na ko nung umuwi ako sa probinsya and kilala as "taga-Manila". Matic kasi pag taga-Manila, mayaman. San nyo ba nakuha yang lintek na mindset na yan? Take note rin, NEVER KO NAKITA YANG BABAENG KAMAG ANAK NA YAN, NI HINDI KO NGA ALAM NA NAG EEXIST PALA SILA SA MUNDO. Ako rin pinabayad nila dun sa gagastusin sa simbahan. EH PUT@ ALAM NILA ESTUDYANTE AKO, NEVER SINABI NG PARENTS KO NA MAY WORK AKO KASI ALAM NILA NA GANYAN UGALI, UMAY TALAGA.

Ending, kapatid ko yung umattend as proxy ko and ako pa rin nakalista na godparent sa simbahan. Kayo, as parents, kukunin nyo ba na godparent yung tao na never nyo naman nakilala o nakausap? Crazy. Wala akong anak pero alam ko na never ko gagawin yan HAHAHAHA

Eto na, yung malupit na part HAHAHAHA umuuwi kami dun every Christmas season then one-time, yung grandparent nung bata tumambay sa may tapat bahay namin nang matagal na oras, wala naman syang kausap dun or ano, nakaupo lang sya sa upuan sa ilalim ng puno sa tapat namin (sakop pa rin ng lupa ng parents ko). Late na namin napansin kasi syempre nagse-celebrate kami sa loob ng bahay namin. Sabi ng father ko bigyan ko na lang daw para ibigay sa inaanak ko, after mabigyan beh umalis na HAHAHAA so tumambay sya don hoping na mapansin at mabigyan ng pera ang apo nya huhu

Sama pa rin talaga ng loob ko na ginawa akong Ninang biglaan. Wala akong problema maging Ninang pero sa di ko naman kilala? T@ngina pano yon? Like walang connection and all? Paano ko iga-guide yan eh kahit parents di ko nga kilala. Ginagawa ko na lang, binibigyan ko ng regalo at di ako nag aabot ng pera, para sure na sa bata mapupunta talaga at di sa parents na feeling ko ginawang business ang anak jusq

If you'll say na sana di na lang pinansin ng parents ko, sana nga. Sinabihan ko na sila pero syempre ayaw rin nila ma-tsismis na matapobre, mayabang or kung ano ano pa. Tsaka may edad na parents ko, ayoko na sila bigyan pa ng kaaway o kagalit dahil lang dyan. And yes, I know na walang kasalanan yung bata, di ko naman sinisisi, kairita lang yung parents.

reddit.com
u/Just_Designer_5094 — 14 hours ago

DTI and BIR registration

Asking for advice. I have a startup business pero wala naman talagang malaking kita (walang kita at all jk hahaha) pero want ko iregister sa dti at bir kaso, di ko alam if ipush ko ba or not. I'm selling digital products and handicrafts. Less than 1k lang kita ko in a year (kita ba yan? hahahaha) more on side hustle ko lang sya. Worth it ba i-register or nahh? If yes, ano mga need ko i-prep or gawin? TIA!!

reddit.com
u/Just_Designer_5094 — 1 month ago

Bakit ang hirap umintindi ng ibang mga lalaki?

Nakilala ko sya dito sa reddit dahil sa isang job post. Nagkataon na same kami ng agency na pinag-trainingan kaya sa Whatsapp na kami nag-usap. Whatsapp rin yung means of communication sa agency namin kaya di kami nag-uusap sa other socmed platforms. Dinelete ko rin convo namin before (training related issue) and number nya kasi bwisit ako sa kanya. Before ko idelete convo namin, aware boyfriend ko and puro training lang usapan namin non.

Then nung nagreach out ulit sya, di ko talaga sya kilala, nireplayan ko lang kasi baka other work opportunity hahahaha then yan nagpakilala sya. Sinabi ko na “from &)-(%~$* ka ba?” kasi yung sa training agency lang naman na yun yung mga kausap ko sa whatsapp.

Alam nya na may longterm boyfriend ako even before the training issue. Vocal ako dun. I even remember before, inaya nya ko lumabas ng gabi, sabi ko sige, sama ko bf ko pero biglang busy raw pala sya AHAHAHAHAH yung sa 2nd image, nung tinanong nya kung may bf pa ko, sinabi ko talaga ng naka-caps na YES kasi wala naman talaga akong sinabi na wala pero di ko na sya nireplayan. Then 3rd image last message nya tapos binlock ko na sya. Buti I never provided any of my socmed accounts.

Nakakainis lang na may mga ganyang lalaki. Dalawa na nga ulo pero yung nasa baba lang pinapagana pagkat@nga naman. Btw, binlock ko rin sya dito sa reddit and nakita ko na @dik rin pala sya kasi naghahanap sya ng mabibilhan ng 🍁 (AHAHAHAHHAAHA SORRY KULAY ORANGE YUNG EMOJI PERO GREEN DAPAT HAHAHAHA)

u/Just_Designer_5094 — 2 months ago

NAKAKAPIKON!!! Part 2

So ayun HAHAHAHA part 2 to ng post ko, last rant/vent ko na to.

After ng work ko kaninang umaga, dumiretso ako ng kwarto para magpahinga. Gising na partner ko and tumabi saken dog ko (katabi nung bata nung gabi), nakita ko meron sya kuto ng tao. Sinabi ko sa partner ko yun kaya nagcheck kami sa dog namin and nakakita kami ng 2 more, bale tatlo lahat. Yung dog ko na yon, NEVER nagka-kuto ng tao kasi aso sya AHAHAHA at wala kaming kuto ng partner ko, so first time nangyari to. Pinapainom rin namin ng Nexgard lahat ng dogs namin para iwas blood infection at para walang kuto syempre.

Nagising ako after lunch na (gabi work ko, di ako batugan), sinabihan ako ng partner ko na nakita nya nagsusuyod yung bata then tinanong nya ulit if may kuto yung bata, sabi ng bata (for the 4th time), wala raw. Sabi ko sa partner ko, ime-message ko na yung nanay (kasi di nga namin alam if alam nung nanay na may alaga sa ulo anak nya or wala), baka mamaya sabihin dito pa nakuha ng bata yung kuto at masisi pa ko/kami.

Maayos yung tanong ko, sabi ko "Ate, pwede ba gumamit si qwerty ng Kwell na shampoo?". Ang reply ng nanay? Ampot@ "Marami na ba sya alaga sa ulo? Hahahaha oo pwede naman". Tinanong ko sya if matagal na may alaga sa ulo yung anak nya, sabi nya "Oo hahaha nahawa sa anak ni ate asdfg"

Edi pikon na naman si ate mo girl hahahaha ang initial plan kasi is sa loft bed matutulog yung bata, mataas yung side harang so di mahuhulog pero for safety of course, sinabi ko sa nanay na kung okay lang sa bata, tabi na lang namin sya matulog. Sige daw. ALAM NUNG NANAY NA MAY KUTO ANAK NYA PERO DI SINABI SAMIN!!! Nakakainis sobra hahaha kung alam ko lang, sa loft bed na ko natulog. Nung hapon, pumunta kami Watsons para bumili ng shampoo nya sa kuto (pera namin. Di ako pala-kwenta ha, sinasabi ko lang) tapos feeling ko inis na partner ko, eto convo nila n/v:

Partner: Your mom told us na you have a kuto, sabi mo wala
Kid: No, I didn't said that
P: You said it multiple times when I asked you, you always say wala (which is true, witness ako sa tanungan nila and ako mismo nagtanong sa bata and sabi nya rin wala).
K: *awkward laugh*
P: Lagi ka na nagsisinungaling, lagi na kitang nahuhuli (gentle voice pa rin since she's just a kid)

Sumabat na ko at sinabihan yung bata na masama magsinungaling and kung ano pa yung mga DAPAT nya marinig. Nag-awkward laugh sya habang sinasabihan namin sya. Pag uwi namin, ayun nagkwento na sya. All this time, alam nya na may kuto sya pero everytime na tinanong namin sya, laging sagot nya ay wala. Sinabi nya rin na nahawa sya sa anak ng isang kamag-anak daw. Sinabi ko rin sa nanay na nahawa ako, walang sorry, walang comment, iniba lang usapan.

Nagrant lang ako one last time pero lesson learned, NEVER AGAIN.

reddit.com
u/Just_Designer_5094 — 3 months ago

NAKAKAPIKON!

Pikon na pikon talaga ko at di ko alam kung kanino pwede magrant.

Yung pamangkin (F10) ng partner ko, nagbakasyon dito samin. Pumayag kami kasi 2 weeks lang naman. First 4 days okay okay pa pero nung naging komportable na yung bata, naiirita na ko sa kanya.

Unang napansin namin na issue is yung pagiging sinungaling nung bata. May 22 pumunta yung nanay ng bata sa bahay kasi birthday nung nanay. Umaga, nilapitan ako ng partner ko and sabi nya naiinis sya kasi nabasa nya sa chat nung nanay at bata na sinabi ng nanay "ano handa", medyo off sa end namin kasi di namin alam na bday nung nanay (nalaman lang namin May 21 ng hatinggabi and may mga pasok kami kaya no time to prep) tapos parang dapat paghandaan namin sya kasi birthday nya eh in the first place, wala naman silang binigay na budget panggastos dun sa bata, kami lahat. Around 5PM, nalaman ko na yung bata pala ang nagsabi sa nanay nya na may surprise daw kami, wag daw maingay yung nanay kasi surprise namin pero wala talaga kasi nga again, di namin nalaman agad na bday nung nanay. Nung tinanong ng nanay yung ano yung handa, nagpicture yung bata ng grocery namin at yun yung sinend sa nanay nya. Edi bumili na lang kami ng cake worth 700+. Mga 7pm nakarating yung nanay sa bahay namin.

Pangalawang issue, mapili sa pagkain yung bata. One night nanonood kami movie then sabi nya nagugutom sya, sabi ko call Tito para kumain kami (nasa garahe partner ko that time). Sabi ng partner ko, initin daw yung nilaga na natira tapos biglang nyang sinabi, di na raw pala sya gutom. Akala nya ata oorder kami. Meron rin di nya sinasabi directly pero loweky parinig na gusto nya ng milktea.

Pangatlong issue is naubos nung bata yung shampoo at sabon. Yung mga shampoo namin sa cr ay Hana 900 ml (400+ php), Dove 1.4L (681php) and yung sabon na Safeguard Body Wash 720 mL (230+ php). Meron rin dove bar and safeguard na bar. Pinagamit namin sa bata yung Hana shampoo and Safeguard Body Wash. Partner ko yung nagre-refill ng mga shampoo/sabon sa CR namin kaya alam nya kung maraming nabawas or wala. May 23 ng madaling araw bumyahe yung nanay kasi papasok sa work ng 6AM. Nirefill ng partner ko yung safeguard body wash the week of May 11 (di ko sure what exact date). Yung lagayan is 720mL and yung refill is 620 mL kaya almost full yung lalagyan. May 24, nakita ng partner ko na ubos na yung 620 mL refill na yun.

Between May 11-24, apat na tao lang yung tao sa bahay. Ako, partner ko, pamangkin nya and nung bumisita yung nanay ng bata. Ang hinala namin nung una is yung nanay kumuha kasi sachet binibili nila sa kanila and iniisip namin na syempre para makatipid ganon. Ubos lahat maski yung dove ko, naalala ko rin na bukas yung Cream Silk na conditioner ko (300php) which is never ko ginawa kasi laging mahigpit yung sara ko sa tub dahil madulas, kako if di ko ayusin yung sara, matatapon ko next gamit if madulas sa kamay ko. Tinanong namin nang maayos yung bata, di raw sya malakas gumamit. Sabi ng partner ko message ko yung nanay para itanong, pagsasabihan nya raw.

After ng incident na yan, medyo lumalayo na loob ko sa bata kasi naiirita na ko. Pang-apat na issue is yung pinaka-nakakabwiset. Nasa mall kami ng partner ko and nakita ko na may kuto na ko wtf!!!!! Katabi namin sa pagtulog yung bata kasi sabi ng nanay baka mahulog raw sa loft bed. Wala kaming kuto ng partner ko and sure na sa bata nakuha kasi di naman kami pala-labas at wala kaming ibang tao na na-encounter. Yan na yung naging turning point kasi hygiene na yan, di man lang sinabi nung nanay na may kuto yung bata, ang ending ako nape-perwisyo!!!!

Pang-lima, kahapon lang, nakita ko na may 3 yakult sa lamesa pag gising ko, sabi ko bakit nasa labas lang at wala sa ref, sabi ng partner ko binili nya raw sa bata yun. Sinabi ng partner ko sa bata na lagay sa ref tapos pahingi raw isa. Sabi ko once a day lang ang recommended pero naka-2 na sya kaya enough na. Sabi nya 1 pa lang daw nainom nya, tinanong ng partner ko bakit 3 na lang natira tapos sabi nya di nya raw alam. Sabi ng partner ko "yung totoo?" tapos sabi nya 2 na raw nainom nya. Sabi ng partner ko "you're lying ha" then sabi nya she's just joking lang daw.

Alam ng partner ko yung inis ko, sabi ko ayoko na, first and last na yun. Ang hirap na may kuto as an adult lalo di naman alam ng mga tao yung kwento. Bumili agad kami ng gamot para sa kuto and as of now, meron pa rin!!! GGRRR!!!

reddit.com
u/Just_Designer_5094 — 3 months ago

Grabe, I just found out that there’s a training agency offering a MedVA course and their trainers are apparently lying about their experience. I actually have proof, but I can’t fully spill the details because the way I found out isn’t something I can disclose either. 😅

One trainer claims to have been a MedVA for over a year, when in reality, the experience is not even close to 5 months yet. Yes, they may have long experience in Philippine healthcare, but PH healthcare and US healthcare are completely different worlds.

Anyway, let this be a reminder. If you’re planning to enroll in a MedVA course, be careful and stay vigilant. Don’t just believe everything you hear. Ask questions. Wag kayo mahiya, tanungin nyo nang tanungin about sa experience nila. Observe the trainers carefully when they introduce themselves so you can tell whether they’re being honest or not.

Imagine paying thousands just to be taught by someone who’s dishonest and barely has real experience in US healthcare. Yikes 😬 Sa hirap ng buhay sa Pilipinas ngayon, if you’re going to invest in yourself for remote work, make sure you’re learning from a legit trainer with real, proven US healthcare medVA experience. Not just someone selling credibility they don’t fully have. Kung gusto nyo magbayad ng thousands of pesos, nasa inyo yan kasi pera nyo naman yan pero make sure you know exactly where it’s going and who you’re trusting.

reddit.com
u/Just_Designer_5094 — 4 months ago