2-month-old baby suffered 2nd-degree burn on buttocks after hernia surgery. Need advice on legal options/hospital complaints
Problem/Goal: Gusto po naming malaman ang aming legal options, kung pwede ba itong idulog sa PAO (Public Attorney's Office), at kung ano ang tamang proseso ng pagrereklamo (internal hospital complaint, DOH, PRC) ukol sa kapabayaan (medical negligence) na nagdulot ng 2nd-degree burn sa aming 2-month-old baby.
Context: Ang aming 2-month-old baby ay kaka-opera lang para sa incarcerated left indirect inguinal hernia. Matagumpay ang herniotomy, pero paglabas sa operating/recovery room, napansin namin na may malaking raw wound (2nd-degree burn) at pagbabalat sa kaniyang puwet.
Under investigation pa ang nangyari sa ngayon, pero ang malakas naming suspetsa ay sanhi ito ng heating pad sa recovery room. Napansin kasi ng misis ko doon na napakamainit ng balat ni baby at tinanong niya agad ang nurse, pero sinabihan lang siya na "normal lang 'yon." Malinaw po sa amin na may kapabayaan (negligence) na nangyari.
Previous Attempts:
- Naitanong na sa nurse sa recovery room noong napansing mainit ang balat ni baby pero pinalampas lang nila.
- Kasalukuyang ginagamitan ang sugat ng MEBO ointment para sa wound care ayon sa reseta.
Questions:
- Pwede po ba kaming mag-file ng kaso sa PAO (Public Attorney's Office)? Ano-ano po ang mga kailangang ihanda o alamin para tulungan ng PAO?
- Sa mga may kaparehong karanasan ng medical negligence o aksidente sa loob ng ospital, ano-ano po ang naging eksaktong steps o proseso na ginawa ninyo?
- Paano po ang tamang pakikipag-usap sa hospital management habang ongoing ang imbestigasyon nila para hindi nila maipasawalang-bahala ang nangyari?
- Ano po ang karaniwang ginagawa ng ospital sa ganitong kaso, at ano ang dapat naming hingin sa kanila bilang kasunduan (agreement) o desisyon?