
Finally, may nanalo na!
Hello ka buhay digital! Nung July 27 pa ako nakuha as cold caller. May dialer kaya mukbang calls. Kelangan makapagappointment sa first week ng kahit isa sa unang linggo kung hindi e ligwak pagkatapos ng Friday shift pero makakatanggap ka padin ng sahod. Sinwerte ako at nakabook ako ng isa kaya nakapag next round ako. Ito ay 7k a week plus incentives at walang gov contribution at anu pa man. Monday and Tuesday Cold caller padin pero pagdating ng Aug. 5 customer service naman sa ibang company. Kalagitnaan kona nalaman mga 2nd week na kuwing sila. As in after ng after call works e papasok agad ung next na caller. Kaya napaisip ako, lagpas 5yrs nako csr tapos parang hindi align ung experience at conpensation pero thankful padin. 2 weeks ako dun. 8k/ week naman to at walang gov contri and hmo. Incentives ata meron pero di ko na natanong magkano kasi.
At sa wakas, dumating na ang pinakaaantay ko e ang itong company ko ngaun. Aug. 17 nag start as TA associate. Unexpected ang turn of events kasi nung May pa ako mag send sa kanila. Pero nasagot ata ung mga dasal ko at nakuha ako sa kanila. 8.5k per week naman to. Sabi ni Gemini e $3.44 ang per hr. Pero sobrang okay kasi provided ni company ung pc, may gov. Contribution, up to 2 hmo inclusion, 13 month pay, 1k rice subsidy, at work from.home pa. Hindi pa ako expert sa TA ha, kaya tinanggap ko na syempre!. Hindi ko alam kung lugi ba ako or sulit or sakto lang. Mas naengganyo talaga ako sa benefits ng company at kung paano nila alagaan ang mga employee nila.
Ayun, from Manila to our province pinadala nila via LBC, halos 5 days din akong naghintay. All is working naman at may pa merch pa sila. Ngayon ko lang din an set up. Ung pc is para pure work lang talaga kaya naisingit ko ung laptop ko sa gilid.
Grabe ang tuwa ko nung nalaman ko na hire na ako..asap talaga sinabi ko na makakapagstart ako HAHAHA... kaya sa mga umaasa at nag sisimula palang, wag na wag kayong susuko sa pag dasal at pagsikap na mahanap ang daan sa gusto niyo. 😊 Kaya natin at kakayanin natin ang lahat para sa'ting pangarap. 😊
Ay, makikitingin nga pala sana ako ng set up niyo sa inyong mga desk. 😊 Kung paano niyo ina-rrange ung sa inyu. Gusto ko din sana may back light or top light para medjo tipid sa koryente.Anjan sa baba ung set up ko. Pwedeng pwede ang suggestions, comments, and feedback. 😊 Salamat sa pagbasa! Ingat kayo lagi!