u/Logical-Upstairs3654

▲ 583 r/Aspin+1 crossposts

HELP, doggie rescue, loc: Gagalangin, Tondo

Humihingi po ako ng payo o saklolo for this poor doggie. Nadadaanan ko lang po siya tuwing naglalakad ako papunta sa palengke, 20-30mins din mula sa amin.

Nasa labas lang si doggie, with no proper roof or shelter. Nakatali sya at maikli pa yung tali, sobrang limitado lang movements nya kung nasaan sya. He's been fully exposed sa hagupit ng panahon, umulan at umaraw, lalo pa ngayon ang sama ng panahon, at mukhang madalas naiiwanan syang basa.

May malapit lang po barangay sa kanila (as in kaunting lakad lang), kaya lang mukhang walang balak umaksyon kasi nakikita din nila si doggie or baka kakilala lang din ng mga tao roon ang may-ari kaya hinahayaan lang. Possible na years na din sya neglected at nakatali dyan kasi yung fur nya parang kumupas na, at mukhang hindi talaga sya na-aasikaso, bukod sa pakain. Nakakaawa, at sobrang nakakainis na napunta sya sa kanyang kinalalagyan ngayon (masikip, malapit sa kanal/basurahan). Although nalagyan ng trapal nung umulan, pero parang hindi pa din sapat.

Hindi ko po sya kayang direktang matulungan o i-rescue, kasi hindi po ako nakatira sa area nya, hindi ko din po kakilala ang may-ari at baka masabihan akong nangingialam. Limited din po ang income ko, and I'm taking care of 2 doggies na sa amin kaya hindi ko siya kayang ampunin direkta o dalhin sa vet.

Baka pwede po pwedeng matulungan nyo ako mailapit natin ito sa mga kinauukulan, animal welfare groups, o mga ahensya na pwedeng makatulong para maireport ito at mabigyan agad ng aksyon. Sobrang nakakaawa na po ang kalagayan niya at kailangan niya ng tulong sa lalong madaling panahon lalo't napakasama ng panahon. Please, sana matulungan natin siya. Barangay 181/182, sa tondo.

u/CornPhilosopher — 3 days ago

Slab concrete spalling at exposed rebar (ceiling ng 2nd floor) – Kaya pa ba i-repair at magkano po kaya ang budget?

Hingi lang po sana ng advice at assessment sa ceiling slab ng 2nd floor namin (see pics).

Context: Dati pong open at walang waterproofing ang 3rd floor kaya natatambayan ng tubig tuwing umuulan. Last year lang po napa-bubungan kaya medyo tuyo na po sa itaas ngayon at wala nang bagong tagas.

Dahil sa lumang tulo, nag-crack, nagbakbak na yung semento, at lumabas na po ang mga kinakalawang na bakal. May mga nalalaglag na pong maliit na tipak ng semento occasionally.

Tanong: May chance pa po bang maayos ito? Ano po kaya ang process para maayos ito (chipping, rust conversion, dagdag ng bagong bakal)?

Magkano po kaya ang magiging safe estimation ng budget para sa ganitong structural repair (labor and materials)?

Additional info: Chineck ko din po ang mga katabing pader at biga, wala naman po akong nakitang mga cracks doon. Mukhang yung slab lang po talaga ang apektado, at nasa bandang kanang bahagi. Yung mga cracks sa slab ay halos katabi na po mismo ng right side pader na pinagpapatungan nito.

Salamat po sa makakapag-bigay ng input.

u/Logical-Upstairs3654 — 6 days ago