HELP, doggie rescue, loc: Gagalangin, Tondo
Humihingi po ako ng payo o saklolo for this poor doggie. Nadadaanan ko lang po siya tuwing naglalakad ako papunta sa palengke, 20-30mins din mula sa amin.
Nasa labas lang si doggie, with no proper roof or shelter. Nakatali sya at maikli pa yung tali, sobrang limitado lang movements nya kung nasaan sya. He's been fully exposed sa hagupit ng panahon, umulan at umaraw, lalo pa ngayon ang sama ng panahon, at mukhang madalas naiiwanan syang basa.
May malapit lang po barangay sa kanila (as in kaunting lakad lang), kaya lang mukhang walang balak umaksyon kasi nakikita din nila si doggie or baka kakilala lang din ng mga tao roon ang may-ari kaya hinahayaan lang. Possible na years na din sya neglected at nakatali dyan kasi yung fur nya parang kumupas na, at mukhang hindi talaga sya na-aasikaso, bukod sa pakain. Nakakaawa, at sobrang nakakainis na napunta sya sa kanyang kinalalagyan ngayon (masikip, malapit sa kanal/basurahan). Although nalagyan ng trapal nung umulan, pero parang hindi pa din sapat.
Hindi ko po sya kayang direktang matulungan o i-rescue, kasi hindi po ako nakatira sa area nya, hindi ko din po kakilala ang may-ari at baka masabihan akong nangingialam. Limited din po ang income ko, and I'm taking care of 2 doggies na sa amin kaya hindi ko siya kayang ampunin direkta o dalhin sa vet.
Baka pwede po pwedeng matulungan nyo ako mailapit natin ito sa mga kinauukulan, animal welfare groups, o mga ahensya na pwedeng makatulong para maireport ito at mabigyan agad ng aksyon. Sobrang nakakaawa na po ang kalagayan niya at kailangan niya ng tulong sa lalong madaling panahon lalo't napakasama ng panahon. Please, sana matulungan natin siya. Barangay 181/182, sa tondo.