u/Longjumping-Sir286

Honda Bay or Underground? Which is sulit?

Magtatravel po me sa PPS sa Oct 21 - 24. Nagdadalawang isip ako if magHonda Bay pa ko kasi magrerent naman ako ng motor. Iniisip ko kasi baka yung puntahan na beaches sa tour ng Honda Bay ay kaya naman puntahan ng motor? What you think po? Thanks!!!! :)

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 11 days ago

Torn between Hue Hotel or Hotel Palacio

Hello pipol of Palawan! I will be travelling to Puerto Princesa on October. Torn ako between these two hotels. Ano ba mas recommended sa dalawa? Budget for hotel 4D3N - max na yung 10k. Mas gusto ko kasi yung malapit sa pwede kainan and medyo malapit sa airport and as the same time accessible sa mga activities na pwede ko gawin. Thank you!!! :)

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 2 months ago

Gigil ako sa isang service crew sa nakainan namin

First time ko sagutin yung crew sa isang malapot na resto. For context dalawa lang yung crew nun sa dining, isang counter at isang nagaassist sa tables. Pagdating palang namin sa resto hindi man lang kami iaccommodate na bigyan ng upuan kahit nakikita na nila kaming nagaantay sa labas, kami pa naghanap at nagsabi sa kanila na "for 2 po." Inintindi nalang namin kasi nga dalawa lang sila. Pagdating sa loob walang bowl at tong para lalagyan ng balls, meats at veggies. Even yung lalagyan ng meats walang laman so nagsabi pa ko sa crew. Natapos na kami mamili ng balls at veggies yung pinarefill ko na meat wala pa rin kaya nagproceed nalang kami sa counter kasi nagugutom na talaga kami. After non kumuha kami ng sauce, ganon pa rin yung ibang lagayan ng sauce walang laman so nagparefill din ako kaso inabot na ko ng siyam-siyam kakaantay nakadalawang follow up na ko wala pa rin. Kahit kutsara o chopsticks wala man lang nakalagay parang ako nalang sana kukuha sa loob ng kitchen nila.

So eto na dumating na yung hotpot, hihingi sana kami ng rice kaso biglang umalis si ate. Kaya pumunta nalang yung boyfriend sa counter at nagtanong kung may kanin sila. Siguro mali rin namin na hindi kami nagtanong kung may bayad ba yung rice kasi nasanay kami sa Sichu na free yung rice so inexpect niya na baka free rin sa resto na yun since hindi naman nabanggit sa kanya kung may bayad o wala. Kaso ate ko!!!! 10 minutes na nakalipas wala pa rin yung kanin na hiningi lumamig nalang yung sabaw, so nagfollow na yung boyfriend ko sa counter saka lang sinabi na may bayad na 50 pesos ang isang rice. Hindi na ko pumayag kaya ako na kumausap sabi ko icancel nalang since hindi naman sinabi in the first place na may bayad pala at 10 mins na nakalipas mula nung nagrequest kami. Dzaiii after ilang minuto dumating yung kanin kung kelan paubos na food namin.

Yung nagbigay hindi man lang nagsabi na, "eto po yung rice pasensya na po natagalan", nilapag lang na parang barya sa lamesa. So lumapit ako sa kanya, ang ayos ng pagkakasabi ko na, "Miss pinacancel ko na po yan sa counter kasi di naman kami nainform na may bayad pala yung rice. Saka kanina pa po namin hiningi kasi yan paubos na po yung food namin". Ang sagot ba naman sakin, "hindi kasi kayo nagtatanong." Like asdfghjkl?!?!!??! Kasalanan ko ba yon? Hindi ba dapat automatic na sa kanila yon na sabihin upfront na may bayad yung ibang products nila? Nagpantig talaga yung tenga ko, nanginginig na ko sa inis kaya nasagot ko siya ng, "bakit parang kasalanan ko ate? Hindi po ba dapat kayo yung nagsasabi if may bayad yung rice niyo o wala?" Tas iniwan ko yung rice sa kabilang table kung san siya naglilinis sinabi ko sa kanya na, "hindi ko babayaran yan miss kasi pinacancel ko na yan." Aba sumagot pa ng, "edi wag mo bayaran". To think na may 10% service charge sila pero kulang-kulang lahat at ganyan attitude ng crew ah?

Alam ko naman na nakakapagod maging crew, nanggaling din naman ako dyan pero sana may professionalism pa rin. Ang ayos-ayos kong nakiusap tas ganyan yung mga sagutan lol.

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 3 months ago

What to book

Hi Palawan, travelling on October 21st and staying for 4 days and 3 nights in Puerto Princesa. Anong mas okay na hotel? I'm eyeing Hotel Palacio or Hue Hotel. This is my 1st time travelling to Palawan and if you can recommend other hotel na may magandang room pero malapit sa mga pwedeng pasyalan or kainan pls! Thank you! :)

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 4 months ago

Supplements Recommendation for Glow Up

Hallo graduate brides and B2B! 2027 B2B here, Oct pa kasal ko pero as early as now gusto ko na simulan magtake ng any supplements or kahit anong need ipa-salon or basta makakahelp para maging glowing ako sa kasal ko. Actually naka-plan na sakin na this year kapag nakaluwag-luwag sa budget eto yung gagawin ko:

- Teeth Whitening
- Underarm Hair Removal (Diode)

Ngayon kasi wala ako tine-take na supplements. More on skincare lang ako at yung ginagamit ko na brand is Fresh Skinlab for Toner and Moisturizer. Yung soap ko naman is Bonita Himalayan Pink Salt. Then lotion is Luxe Organix na Violet (night) tapos Pink or Blue (day). Hindi ako kaputian, yung tipikal na puti lang. May marereco ba kayo na pwede ko na simulan ngayon na procedures or ite-take bago ako ikasal? Thank youuuuuuu!!!🥰🤗

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 5 months ago

So yung Ate ko kinasal last May 2025, nahihirapan kasi ako ibenta yung gown niya since sleeveless siya although long trail siya and padded na. Di ko alam kung magrerenta nalang ba ako ng bago o ipapa-alter ko yung gown niya. Nasa magkano kaya magpa-alter ng wedding gown na long trail? Next year pa naman ng Q4 yung wedding ko 😄

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 6 months ago

Kaninang umaga namalengke ako. Nung bumibili ako ng mga gulay may isang matandang babaeng badjao na nangalabit sakin. Yung kalabit niya teh yung magugulat ka at may kirot ah? Nanghihingi ng barya so sinabi ko na, “wala po” tas awkward na ngiti. Nung inabot na nung tindera yugg ng sukli ko nasa gilid ko pa rin siya pero ayoko kasi bigyan dahil namimihasa. So tinago ko na yung sukli sa bag ko tas kinalabit niya na naman ako. So sabi ko, “wala po talaga nay”. Aba eh may parang sinabi siya di ko alam kung curse ba yon o ano basta inalisan ko nalang. Punyeta sa hirap ng buhay ngayon wag niyo ko pinapaandaran na parang bang obligasyon ko kayong bigyan tangina niyo. Etong mga badjao na to hindi mahiya sa mga matatandang nagtitinda ng gulay sa palengke na sila mismo nagtatanim at nag-aani saka ibebenta eh.

reddit.com
u/Longjumping-Sir286 — 6 months ago