Ano ang mararamdaman mo if yung pinapaaral mo ay may jowa pala at hindi sinabi sa'yo?
Only child lang po ako. Hiwalay ang parents ko. Grew up with my paternal grandparents pero financially supported ng aking mother. May stroke si Papa ngayon. Buntis ako ngayon at EDD ko next week. Wala na rin kaming communication ni mother dahil hindi nya tanggap na buntis ako. (27y.o na me)
Itong pinsan ko po. Humingi sya ng tulong sa'kin na papaaralin sya ng college. Pumayag ako in a condition na sa state university sya mag-aral at para mabisita nya rin Papa nya na may stroke din (kapatid ng Papa ko).
Before pa 'yan sya mag-start ng college, pinagsabihan ko na sya na wag syang mag-gf unless financially stable na sya. Gusto ko lang i-instill sa utak nya na you know, bilang lalaki, mas magandang mag-girlfriend if may sarili ka talagang pera. Agree naman sya, sabi focus lang daw sa pag-aaral. At nakikita ko naman mga grades nya which is matataas din talaga.
May ate pala sya pero hindi ko alam how much salary non as a wfh employee na di ko rin alam if VA ba sya or call center agent. And again, Papa nila ay may stroke so walang work. Tas mother nila ay hindi ko rin alam kung nasaan at anong work kasi pag tinatanong ko pinsan ko sasabihin nya lang na wala silang contact (na feeling ko ayaw nya lang talagang sabihin sa'kin kasi di kami good terms ng mother nya).
Dati pa lang ine-encourage ko na pinsan ko na maghanap sya ng part-time job para may pandagdag sya sa mga gastusin nya sa school kasi HRM program nya at marami talaga silang pa-activities and expenses kahit nasa state university. Binibigyan ko sya ng allowance nya at dati ako ang nagbabayad ng dorm nya pero 'nong nasa 2nd year na sya, 'yung ate na nya ang pinapabayad ko (1,500/mo).
Ngayong magkaka-baby na ako, I gave them a heads up, silang magkakapatid na hindi ko maga-guarantee ang financial support ko sa pinsan ko nga starting on his 3rd year. Ini-encourage ko pa rin na ituloy ang pag-aaral kasi 2 years nalang at ga-graduate na. Sayang din. (Nong tinanong ko kasi sya last time ano gagawin nya if hindi ako makapag-support, sagot ba naman eh baka titigil sya at babalik sa trabaho). Since aware na rin ate nya sa magiging situation, kaya nya naman daw suportahan kapatid nya except sa internship kasi either Malaysia or sa Boracay daw 'yun pagka 4th year nila.
Anyway, ask ko lang if ano ang mararamdaman nyo? Ang concern ko kasi dito baka makabuntis 'tong pinsan ko na hindi pa naka-graduate ng college or baka naman hindi pa nakahanap ng work after college. Knowing his family situation, I thought magiging priority nya ang college degree nya, career and help his father na maka-recover.
Also, for me, he's still a baby boy T_T
He couldn't even manage to find a part-time job pero girlfriend, oo. T_T
Tas pag naubosan ng bigas, sa'kin manghihingi pambili. Huhu. Pano pa kaya 'yung pang-date nila....
or baka nagiging oa lang ako at overthinking kasi buntis hahahhshaha lmk ur opinions po. Thank u!🥹