▲ 42 r/PanganaySupportGroup+1 crossposts

ABYG kung ‘pinaalis’ ko sa bahay yung mga kamag-anak ko?

UNAHAN NA KITA, MAHABA HABA TO. At malamang maraming typo erro or wrong grammar kasi kakatapos lang netong mangyari. As now lang to, mainit-init pa.

Umpisahan natin sa context na malaki ang family tree namin - 7 na magkakapatid sina mama, 13 naman sa side ni papa. 2 lang kaming magkapatid. Yung kapatid k dito nakatira sa bahay namin ng husband ko, kasama namin si papa (stroke survivor)

So eto na nga. Matagal ng gusto ni papa na magpunta sa resort kasi gusto nyang makita ulet ang dagat (as an island boy). Nag-agree naman kami ng kapatid ko bilang 59th bday na nya and 11th yr na after maka-survive from a massive stroke. Support din naman si husband sa idea.

Yung uncle and aunties and mga pinsan ko na galing probinsya eh lumipad pa dito sa luzon para maki-celebrate sa kanya. Dito sila nag-stay sa bahay a day before ng event. Which is okay na okay sakin kasi may kasama si papa pero 8 sila kaya siksikan na sila sa sala kung saan sila tutulog. Maliit lang tong row house namin pero okay lng kasi masaya naman si papa na makita kapatid nya at mga pamangkin.

On the day of the event, nag-simula na yung stress ko. Una, late yung van na sasakyan ng mga bisita. Ang agreed time ay 1pm pero 4:30pm na dumating. Yung resort ay 2.5 to 3 hours ang layo mula sa bahay namin (which is yung pick up point). Ang reservation sa resort ay 3pm to 1pm the next day. Buti na lang pumayag yung caretaker na i-move yung check in time. So okay, dedma sa stress.

Pangalawa, yung dami ng bisita ay di nasunod. Ang reservation is for 30 pax. Ang rsvp ay 27 pax, kaya may buffer pa yung pinareserve ko. Ang ending, 39 pax ang dumating, with one pinsan na dala ata buong barkada. Di ko na nga kilala yung iba dun. Ang nilista ng pinsan ko na to sa family nila ee 3 lang. Ang dala nya? 12! Pero sige, pagpasensyahan kasi birthday nga ni papa.

Pangatlo, after ng swimming, nauna kami (ako, hubby, my kapatid and his jowa) makauwi kasi nakabukod kaming sasakyan. Nagulat na lang ako nung maya maya e yung mga nasa van at mga nag-motor na kasama namin sa swimming eh dito sa bahay dumerecho imbes na sa kani-kanilang bahay. So ako, bilang may-ari ng bahay, nagtaka bakit sila nandito? Yun pala, nag-stop over sila sa palengke at namili ng maluluto DITO SA BAHAY ng wala kaming kaalam-alam. And past 8 na to. Magluluto pa sila ng bulalo!! All 32 of us cramped in a small row house (think of typical row house na may maliit na garahe na walang bubong at naulan pa). Imagine the chaos! May maoy na, may nakahiga na sa lapag kasi naghalo na yung lasing at hilo sa byahe, may naiyak na baby, may maligalig na bata, may pagod na mga matatanda. On top of that, umalis pa yung kapatid ko para ihatid ang jowa nya and dun na natulog sa bahay ng jowa nya. Husband ko naman eh umalis din dahil may prior committment (pinayagan ko na kasi naka-ilang postponed na tong ganap nyang ito). Ang nasa isip ko na lang ay i-raos na lang to at matulog na (pero 12:30am na ngayon habang tinatype ko to at gising na gising pa mo dahil sa inis at frsutration at badtrip at pagod at dehydration at sun burnt na balat at lahat na)

After 3 hours ng byahe, ee nandito pa sila, for what? Hihigop ng sabaw kasi lasing? Kasi kakaen daw? Bakit di na sila umuwi sa kani-kanilang bahay, kumaen at magpahinga???

Sobrang overwhelmed na ko, bilang patong patong na yung badtrip ko, nag-stay ako sa kwarto ni papa most of the time. Lumalabas lang ako pag kelangan pero hinayaan ko na sila sa kusina. Pagod na ko mag-isip. Idea nila yan, sila mag execute.

Di ba na-chika ko na past 8 sila dumating dito. Yung iba nag umpisa ng kumaen, inulam na lang yung natirang ulam galing swimming.

At nag-inuman pa kasi may sobra pa daw na alak. Nagpaalam man lang ba samin? HINDI!

Nung around 9pm na, nakaalis na yung ibng nakakaen na pero may isang pamilya na nag stay talaga for the bulalo 😭 and yes, sila yung family na may 12pax.

Sa haba ng chika ko sa taas, eto na yung feeling ko naging gago ako. Yung mga naiinuman, inutusan yung pinsan ko na bumili sa tindahan. Tinanong ko, anong papabili nyo? Sabi nila yelo at softdrinks daw. Sabi ko, okay sige. Wag na kayo magdagdag ng alak kasi late na. Maaga pa pasok bukas at flight pa nina auntie, uncle and pinsan bukas ng hapon.

Sounds reasonable naman di ba? Pero before that, passive-agressive na ko. Hindi kasi ko confrontational kaya hindi ko alam kung pano to i-handle. Pakiramdam ko yung tono ko nung sinabihan ko sila ee off, baka nahalat na badtrip ako?

So ayun ako ba yung gago para iparamdam sa kanilang umalis na sila?

Ang ending nga pala, di pa din sila umalis nung nagsabi ako na maaga pa pasok bukas. 11pm na sila umalis. Yung mga bisita ko galing probinsya ee antok na pero di makatulog kasi nakatambay pa sila sa sala.

So, ako ba yung gago?

reddit.com
u/Missyxmari — 4 days ago