Tumutulong bubong since lumipat kami...
So noong December kami nakalipat dito sa 2BR house sa Mandaluyong. Family of 4 kami, and we're paying ₱12k monthly, excluding utilities.
Luma na talaga itong bahay. Noong lumipat kami, hindi maayos ang pintura, may mga inaamag na kahoy, at may sira na rin ang kisame. Pero kailangan namin ng mas malaking bahay dahil may toddler kami, at sobrang lapit lang nito sa school ng anak namin. Mga tatlong ubo lang, nasa school na siya. Kaya okay na rin sa amin. Pininturahan pa nga ni husband ng white para kahit papaano mas maaliwalas tingnan.
Pero since December, napansin na namin na tumutulo ang bubong sa room ng anak ko. Simula noon, puro dahilan na lang ang landlord. Wala raw hagdan, wala raw gagawa. Fast forward to February, may dumating na rin sa wakas para tumingin. Pero ang ending, hindi rin inayos. Ang sabi pa sa amin, "Matagal na pong tumutulo 'yan. Sinabi ko na pong palitan natin." Pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyari.
Ngayon umuulan, at nabasa na ang kama namin kasi mas malala pala ang tulo sa kwarto naming mag-asawa. Gigil na gigil na talaga ako.
Malapit na ulit ang due ng renta, at iniisip namin kung huwag muna kaming magbayad hangga't hindi nila inaayos ang problema. Pakiramdam namin, inaabuso na kami. Never kaming na-late sa pagbabayad ng renta, pero parang enough is enough na.
Tama ba kung idelay muna namin payment? O may mas okay kayong advice? Hahaha.