Muntik na ma empty out bangko ko kung hindi dahil sa NDRRMC Alert
Na hack account ko kanina sa isang gaming platform (Steam para sa mga nakaka alam) tas nakalink doon yung Debit Card ko. Kanina lang nangyari habang asa work ako, di ako pala check ng phone pag nagwowork pero kanina biglang sabay sabay nagtunugan phone namin ng co-workers ko so napa check ako ng phone.
Pag bukas ko ng phone ko under NDRRMC alert notif, merong purchased item na nag notif sa maribank ko. Pucha 2k.. So naturally nagkaripas ako i open yung maribank ko and buti naisipan ko agad ilock yung card ko kase kung hindi, tangina siguro ubos yung laman ng card ko kasi sinunod sunod nung hacker yung pag bili, malalaman mo kasi yun sa maribank pag may failed transaction diba?
Nabawi ko naman yung 2k agad agad kasi responsive naman ang Steam, actually 4k pala sya pero I think yung other 2k is nakahold sa maribank.
Napaisip lang ako saktong sakto yung alert, and nung time na hinahack and nagbibili na ng kung ano anong laro yung hacker dun sa account ko. Kako, “divine intervention ba ‘to?”. Di naman ako religious na tao pero kung totoo nga ang diyos at divine intervention nya nga to para sakin, marami pong salamat.