Any furparents here with kittens diagnosed with hydrocephalus? Need advice 🥺🐱
Hi furparents! Ask lang po sana if meron dito na may experience sa kitten na may hydrocephalus.
My kitten is only 5 weeks old and currently confined. Napansin namin na hirap siyang i-lift yung body niya, especially yung head niya, parang hindi niya kayang suportahan nang maayos. The vet suspects hydrocephalus and we're still waiting for more updates.
We also suspect na baka nadaganan siya ng mama cat, since siya rin yung pinakamaliit sa magkakapatid. Hindi kami sure kung may kinalaman iyon sa condition niya or if congenital talaga.
Sobrang worried lang ako and gusto ko sana marinig yung experiences ng ibang furparents na dumaan sa ganito.
• Ano po yung naging symptoms ng kitten niyo?
• Paano niyo siya inalagaan sa bahay?
• Kailangan ba ng special feeding or physical therapy?
• Nag-improve po ba yung condition nila over time?
• May medications or treatments ba na nakatulong?
Any advice, experiences, or success stories would really help. First time ko po kasi magkaroon ng kitten na may ganitong condition and gusto ko siyang mabigyan ng best possible care.
Thank you so much sa sasagot. 🥺🙏🐾