u/NeckPillow2000

(Priority) Lalamove double booking

Anong thoughts nyo on lalamove riders na nag dodouble booking kahit na naka priority order?

Today lang, we booked a lalamove rider na naka priority order kasi perishable yung frozen breast milk na binili ko. At first kampante ako kasi diretso talagang syang papuntang sa area namin, kaso nung malapit na sya samin, bigla sya dumiretso na naging out of the way na sya. Only to find out na nag double booking sya while dala dala pa yung frozen milk na inorder ko.

Pagdating nya sa drop off (sa bahay namin), sya pa may ganang magsabi ng dapat daw nilagay naming priority booking yun para daw di nya kinuha at para makapag double booking daw sya kasi pwede dqw yon, eh diba nakikita namana nila kung priority o hindi, so binara na namin sya kasi alam naming nakikita nila yung before pa nila i-accept ang order. Tapos biglang nagbago ang rason nya sabi dumaan daw sya sa bahay nila which is hindi nya tinimbre samin thru chat.

Gusto ko mag send ng complaints sa lalamove pero at the same time nakakaawa sila, kaso mga abusado talaga yung iba.

reddit.com
u/NeckPillow2000 — 11 days ago

Worried about mosquitoes

Mommies of Reddit, please help me out. Any tips on how to protect LO from mosquitoes? Hindi talaga mapigilan na may makapasok sa kwarto. Baka may ways/techniques or binibili kayo to keep mosquitoes away from your LO?

reddit.com
u/NeckPillow2000 — 26 days ago
▲ 4 r/AskPH

Where can someone buy Bob Ong books?

Aside sa NBS (kasi hindi na kumpleto yung books na binibenta nila or yung latest books na lang meron).

reddit.com
u/NeckPillow2000 — 26 days ago

Legit pala yung takot kapag akala mo hindi ka dadatnan

FTM(32) here and LO is just 5 months old. Dati naman hindi ko mina-mind yung interval ng regla ko every month kasi una, alam kong rereglahin ako anytime soon. At pangalawa, gusto ko na rin magkaanak. Ngayong may baby na ako, legit pala yung takot na baka hindi na naman datnan after maging reckless with hubby. Yung kung ano ano na naiisip ko kung paano kung buntis na naman ako, paano bubuhayin yung dalawang bata, kawawa yung panganay dahil mabibitin sya sa atensyon, paano ang budget sa panganganak na naman. Jusko andami pumapasok sa isip ko to the point na nasusuka at nahihilo na ako.

Kaninang 3AM nag CR ako, pagtingin ko sa bowl may patak ng dugo. Dun ako nakahinga ng malalim. Niregla ako! Yeess!! Sinabi ko kay hubby, sya din daw ngayon lang ulit kinabahan ng ganon ulit, huli daw nong nanganganak ako.

Kaya ngayon, wala munang pasukang mangyayare, playtime na lang muna kami pareho para sure at makapav focus kami sa baby namin.

reddit.com
u/NeckPillow2000 — 27 days ago

Mommies of reddit, napansin kong nagsisimula ng ubuhin ang 4mos old kong anak. Any tips/reco nyo on how to make it go away ng mabilis? Awang awa ako sa anak ko talaga.

reddit.com
u/NeckPillow2000 — 1 month ago