frustration sa Philippine Politics Thoughts

ADMINISTRATION
Sa administrasyon nag open tungkol sa flood control si PBBM pa yung nasa flood control site noon at nagsasabing walang flood control na nangyari sa site pero hanggang ngayon walang nangyayari
Si Martin Romualdez pinangalanan ni VP Sara na kasama ni Zaldy Co sa may control sa budget pero parang absuwelto. Pero si Zaldy Co hinahabol. Pinsan kasi si Romualdez eh

DDS/Duterte Side
Nauuna ang Politics, yung mga senators na kaalyado gumawa ng paraan to take control sa senate. Para sa impeachment i guess.

Pinklawan/Hontiveros-Pangilinan Group
Nauuna din ang politics. Ang ingay nila about impeachment against duterte group pero about flood controls wala na.

Si Ping Lacson napalitan sa sila sa Senate maingay din parang sama lang ng loob sa bawat interview. Normal naman magpalitan ng leadership sa senate.

Si Bato ayaw pang sumuko ng makabawas sa gulo sa senado.

PH Politics in general
Lahat sila nasa gulo sa senado at nasa impeachment. Di nila maresolba yung crisis pilipinas. Presyo ng petrolyo, flood control, mahal na bilihin. Yung hundred millions todo habol yung flood control nawawala na. Paano politiko din ata nakapag bulsa, sila sila din ata.

Wala bang anti Politics Group? At maka bayan maka Masa? Kasi lahat nakafocus sa politics. Nakafocus sila politics. Habulin yung mga sangkot mapa Administrasyon man yan or DDS. Hundred millions man yan at lalo na yung Billions.

Sa Congress naman yung anti dynasty bill, may amendment si Leviste na bawal tumakbo sa party list ang may kamag anak something like that ayaw ng majority ng congress. Tatamaan sila yung iba di na pwede tumakbo as congressman sa partylist kapag nangyari yon. Loophole ang ata partylist position sa antidynasty bill.

Sabi ng isang rider sa interview sa mga nagrarally sa Manila wag lang si Sara at DDS ang i-rally nila dapat pati yung sa flood control, ang ipokrito daw ng pagrarally

Malapit na kasi election kaya nagkakaganyan ang mga politiko. Ganyan sila.

Ano thoughts nyo?

reddit.com
u/Nervous-Taro-3995 — 3 months ago