Ang hirap pala talaga…
Hi mga ka mommies, im 26 single mother for 3yrs at first para akong nabunutan ng tinik laking ginhawa ko nung nag hiwalay kami nung tatay ng anak ko dahil sa toxic niyang ugali at sa kung ano anong trauma yung binigay nya simula pa lang nung nag bubuntis ako, pero ngayon habang tumatagal ang hirap pala talaga nakikita ko yung anak ko na hinahanap yung tatay nya samantalang yung tatay nya walang pake at may bagong kinakasama na, ang hirap na tingin ko naman nung una tama yung naging desisyon ko na makipag hiwalay nalang kesa palakihin namin yung anak namin sa ganun na environment pero ngayon naaawa ako sa anak ko kasi napagkaitan ko sya ng buong pamilya, ang hirap din sa side nating mga mommies na buti pa silang mga lalaki andaling dali lang humanap ng iba samantalang tayo dala dala natin lahat ng takot na di nalang para satin kundi para sa anak nadin natin…
Ibang iba talaga ang pakiramdam ng nanay sa tatay,
Madaling tumalikod sa responsibilidad at kalimutan ang anak yan ang nature nila pero pag biglang sumulpot at nagbigay ng onti “Best Father” na ang dating samantalang tayong mga nanay sakripisyo lahat mentally, physically, emotionally and at the end of the day mapapatanong kapa din sa sarili mo kung sapat ba talaga yung nagagawa mo para sa anak mo…