u/Numerous_Narwhal_790

▲ 138 r/LawPH+1 crossposts

Alan Peter Cayetano: The Most Dangerous Politician Is the One Who Knows Exactly How to Control the Narrative

Sa lahat ng politicians, siya talaga ang isa sa pinaka-scary.

To be honest, sobrang husay niya magsalita. He really has a way with words at madalas sinasamahan pa niya ng Bible verses, legal references at kahit dictionary definitions para mas authoritative pakinggan.

Ilang beses na natin itong nakita:

  1. Against Juan Ponce Enrile

  2. During the vice presidential debate with Bongbong Marcos

  3. Sa mga sagutan with Antonio Trillanes IV during Senate hearings

  4. Sa banggaan nila ni former Speaker Lord Allan Velasco matuloy lang ang term-sharing.

  5. Banggan nila ni Zubiri tungkol sa EMBO Taguig, na kahit wala sa senate agenda before local election.

Kapag mukhang cornered na siya, kaya niyang i-flip ang narrative. For example sa issue ng 10k, sa advice niya tungkol sa “pagbabayad sa media” na binanggit kina Mocha Uson at Banat By at kahit sa technical arguments tulad ng “masking tape vs packaging tape.”

Instead of directly answering the issue, magbibigay siya ng mahaba, well-structured and seemingly logical explanation. May halong legal terms, dictionary meanings, selected past decisions, Bible verses at analogies, then somehow, ligaw ang kadebate and lusot na naman.

Napakalinaw niyang magsalita. Usually, ganito ang pattern:

  1. Pupurihin muna niya ang taong kukuwestyunin niya.

  2. Ire-relate niya ang issue sa personal experience niya to gain sympathy. "Nung bata pa kami, bilin ng tatay ko..."

  3. Maglalagay ng Bible verse to sound principled.

  4. Gagamit ng technical and legal terms.

  5. Magchi-cherry-pick ng past rulings or statements.

  6. Magbibigay ng analogy para mas dramatic at relatable ang point.

By the end, kahit hindi nasagot ang core issue, maraming nakikinig ang naliligaw at napapabilib sa delivery, tipong di na kelangan ng follow up questions.

Sa recent Senate chaos, 101% feeling ko walang mangyayari. -Walang kuha ng CCTV? -Senate unang nagaputok? -Nakatakas si Bato? Balewala yan kapag siya ang humawak ng narrative, kayang-kaya niyang ilihis ang usapan hanggang mawala ang focus sa tunay na issue.

That’s what makes him scary, not necessarily because he is always right, but because he is exceptionally skilled at controlling the narrative.

  1. Pano sya naging House Speaker - term sharing?

  2. Pano sya naging Senate President - gulo muna sa senate?

Sa 2028, graduate na sya sa senate. Ano plano nya kay Sara as potential next victim? (Sana nga) 🤣.

Beware. I am telling you - wag ilapit ang mic jan.

reddit.com
u/Numerous_Narwhal_790 — 2 months ago