

Recommend wireless mouse budget friendly
Pass na sa attack shark, wala pang 1 year sira agad kahit d naman nahuhulog/bagsak. Yung may software din sana para pwedeng ma modify.
It's been 3 months after ng hiwalayan naming dalawa. I'm m22 and she's currently 21.
Day 1 of break up sobrang gaan ng pakiramdam ko kase wala na akong iisipin lalo na at sobrang toxic nadin namin that time, valid din naman siguro reason ko kung bakit ako bumitaw sa relationship namin that day. Pero di ko lang inexpect na day 1 of our break up may kausap na sya agad, and sa day 4 may nangyari na sa kanilang dalawa at sya pa nag aya sa lalake. Bago ko malaman yun inabot ako ng 1 week bago ako nagka lakas ng loob mag beg sa kanya para ayusin yung hiwalayan namin, pero puñeta kaya pala ayaw na ayusin kase sa iba na nakikipag ayos, tapos ang malala pa dito yung lalake kaibigan nya at yung jowa nung lalake kaibigan nya din at d pa alam nung babae na kabit sya. Ang dami kong katanungan sa kanya pero respeto nalang siguro sa sarili ko kaya hanggang ngayon d narin ako nag reach out sa kanya.
May part parin sakin na gusto ko sya, pero ang laki din ng part sakin na wag na syang i contact dahil nagawa nyang itapon yung 1 year and 4 months namin tapos live in pa.
Kanina nakita ko yung mga gamit na naiwan nya dito sa bahay, at out of nowhere inistalk ko sya ulit sa tiktok nya at nag paparinig na sya ulit at akala ko naman about sakin, until kinausap ko ate ko na ka close nya, sabi daw ng ex ko may bago na sya agad tapos ako eto, tinatanong parin yung sarili kung san ba talaga ako nag kulang, ganun ba ako kabilis ipag palit? Nag e effort naman ako sa relasyon namin.
Napaka daya nya lang, nung sya yung nasa lowest point nya andun ako, tapos ngayon na clinically diagnosed na ako ng severe depression and severe anxiety dun nya pa ako iniwan. Gusto ko syang murahin at sumbatan pero alam kong walang patutunguhan yun kaya lahat ng tanong at mga gusto kong sabihin sa kanya lulunukin ko nalang.
Sinubukan kong kumausap ng iba kagaya ng ginawa nya pero d maganda kinalabasan kaya tinigilan ko nalang. Ngayon hindi ko na alam kung pano ako uusad kase halos sa kanya ko na experience yung mga first time ko.