RANT about Globe's WIFI
Grabe! Wala na talagang mas tatalo pa sa incompetency ng ganitong klase ng kumpanya dito sa Pilipinas.
Context: mula simula ng July, nagsimula maging pula/red ang LOS sa modem namin and we immediately applied for repair naman through GlobeOne app na set to be on a specific date. Pagdating ng araw, hindi sila sumipot at biglang sinara na lang yung ticket so nagbukas uli kami ng bago at same scenario hanggang sa magiging isang buwan na tapos hindi pa rin naaayos. Yes, pumunta na kami sa mismong Globe store at ang sabi nga nila pupuntahan nila sa araw na yun pero hindi rin sumipot tapos yung ticket na binibuksan namin nauusog lang nang nauusog at hindi nasisipot. Yes, ipaparebate naman namin to pero the fact na ganito yung sitwasyon is just insane. Tapos sasabihin nila na priority ang nasa QC? Globe rin ang kapitbahay namin pero ok naman yung internet nila.
Ang theory ko lang dito is they are forcing us to do something that will favor them and that is to upgrade our plan.
P.S. Since July 15, bumabalik naman na siya pero sa gabi lang tapos mawawala uli sa umaga and then babalik lang uli pag gabi. Sobrang nakakainis na.